Una sa Balita

‘Kabibe’ ni Sam halos lumuwa na

0 535

Ayaw ring paawat nitong si Sam Pinto. Na habang umiinit ang panahon, paliit naman nang paliit ang sinusuot niya sa dagat.

Sa latest Instagram post ni Sam, bagama’t one piece swimsuit na kulay orange ang suot niya, na medyo disente ang cut sa bandang upper part, dahil wala ngang cleavage na nakalabas, ibang-iba naman pagdating sa lower part.

Aba, kung titingnan mo sa sobrang taas ng cut ng swimsuit na suot niya, at sa sobrang kitid nito, halos ang ‘kabibe’ na lang niya ang natakpan, ha!

Ito nga ang klase ng swimsuit na konting kilos mo lang, konting mali mo lang, mukhang lilitaw na agad ang kabibe sa dagat.

Pero, mukhang hanggang pang-pictorial lang naman ang suot na ito ni Sam, dahil ‘di ba nga, bukod sa resort, ang mga swimwear ang isa sa mga negosyo niya. Kaya nga palagi siyang naka-swimsuit, o bikini, dahil pang-akit niya ‘yon sa mga kababaihan na gustong tularan ang kanyang kaseksihan.

Effective na negosyante, endorser nga si Sam, ha! Dahil mukhang mabenta talaga ang negosyo niya. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy