Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kabayo, amo showdown sa budots

0 154

Hataw sa pagsayaw ng budots ang isang kabayo at kanyang mga amo sa Mines Vew Park sa Baguio City na kinagiliwan ng mga netizen.

Trending ang video na kuha ni Chris Jericho na nagpapakita sa tila pagsabay sa kanta at pag-indak ng 11-taong kabayo na nakilalang si Strawberry, kasama ang kanyang dalawang batang amo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tuwang-tuwa ang mga nakapanood na netizen sa higit 1 minutong pagsasayaw ng dalawang bata at pag-indayog ni Strawberry na napag-alamang talagang likas na masiyahin bukod pa sa pagiging maamo nito kaya naman paborito ng mga turista.

Maging mga netizen ay napahanga sa sigla ni Strawberry kaya naman excited ang ilan na makita siya sa personal.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.