Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kabayanihan ng sundalong Pinoy binida sa YT serye

0 73

Matutunghayan ng bagong henerasyon ang kabayanihan ng mga sundalong Pinoy na lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan noong Abril 9, inilabas ang ikatlong episode ng ‘Magiting+’, na unang nilunsad sa YouTube channel ng Ayala Foundation noong Marso.

Itinanghal sa nasabing video series ang mga koleksyon ng diorama ng kasaysayan ng Pilipinas, ang Retrato Collection ng Filipinas Heritage Library, na nagpapakita ng mga antigong larawan ng mga pangunahing kaganapan sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Sa tulong ng mga historian at iba pang tagapagtaguyod ng kultura at kasaysayan ipinakita sa ‘Magiting+’ ang mga kagitingan sa buong kasaysayan

Kasama na rito ang kabayanihan ng mga sundalong nanguna sa Battle of Bataan at Death March noong World War II. Kahit pa libo-libong mga Pilipino ang nasawi sa itinuturing na pinakamalagim na sandali sa kasaysayan ng bansa, mahalaga pa rin umanong maipakita ang katapangan, pagsisikap, at lakas ng mga nakipaglaban sa mga Japanese Imperial Army.

Magtatagal hanggang sa Hulyo 23 ang derye. Ang pitong episode ay ang ‘Battle of Mactan’, ‘Revolution against Spain Begins’, ‘A Scene from a Zarzuela’, ‘Proclamation of Independence’, ‘Rizal Completes the Noli’, ‘Kudarat’s Defense’, at ‘Pottery Making in Bicol’. (Dolly Cabreza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.