Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kabataan, senior aprub lumabas para sa national ID

0 72

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na lumabas ng bahay ang mga kabataang edad 15 hanggang 17 gayundin ang mga senior citizen na 65-anyos subalit ito’y para magparehistro lamang sa Philippine Identification System (PhilSys) o national ID.

Base sa regulasyon, sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ) ay bawal pang lumabas ang mga kabataang 17-anyos pababa at mga senior citizen na 65 pataas maliban na lamang kung kinakailangan.

“Ang mga menor na edad 15 to 17 kasama rin po ang mga senior, `yong mga above 65, eh palalabasin lang po ng kanilang mga tahanan para po magrehistro sa Philippine Identification System,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.