Una sa Balita

Kabataan protektahan

0 252

Dear Abante:

Meron na po ba na nakasuhan dahil sa pagtatago ng kabataan? Ano na po ang update sa mga nawawalang kabataan na mahigit sa na sa 300? Baka naman po puwede na may result na sa mga paghahanap at baka nakabalik na sa kani-kanilang mga pamilya.

Sa dami po ng mga magulang ng mga menor de edad, meron na po bang ginawa upang kasuhan ang mga nagtatago sa mga bata? ‘Di ba po maikokonsidera na ‘kidnapping’ at ‘illegal detention’ ang mga ito kung pagbabasehan sa batas, kasi nga mga minor pa at dapat nasa poder pa ng kani-kanilang mga magulang? Kung nakasuhan na nga ng mga awtoridad o mga magulang ng mga bata, ano na po ang nangyayari sa ating ‘justice system’?

Related Posts

Kaya naman, kumakatok po ako sa inyo na sana po aksyunan po ito at hindi lamang magtapos sa simpleng pag-uusap sa Senado o kung saang plataporma para sa maayos na solusyon o resulta.
Maraming salamat po!

Florida C. Mabuti

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy