Una sa Balita

Kabataan para sa kinabukasan

By
0 623

Kakarating pa lamang mula sa Estados Unidos, sumabak na agad sa trabaho si VP Leni ngayong linggo.

Nitong Martes, pormal na inanunsyo ng Oposisyon Koalisyon ang kanilang slate para sa darating na eleksyon. Walong kandidato: Sina Mar Roxas, Erin Tañada, Samira Gutoc, Chel Diokno, Florin Hilbay, Romy Macalintal, Gary Alejano at Bam Aquino. Walong pangalan na maipagmamalaki dahil sa kanilang galing at mahusay na kasaysayan sa paglilingkod. Sabi nga ni VP Leni sa kanyang talumpati: Ang laban ng walo ay laban ng Pilipino.

Sa kanyang talumpati rin, binigyang-diin rin ni VP Leni ang kahalagahan ng partisipasyon ng taumbayan sa eleksyon – na ang tunay na kapangyarihan ng ating mga lider para maglingkod ay nagmumula sa sambayanang nagluluklok sa kanila. Nasa kamay ng mga botante ang solusyon, dahil sila ang araw-araw na humaharap sa hamon ng buhay, sa kahirapan, sa mga isyung pinipilit solusyunan ng pamahalaan.

Inulit rin ni VP Leni ang panawagan na ito, partikular na sa kabataan, sa kanyang pagbisita sa Cotabato City, Maguindanao, nitong Miyerkoles para sa pagtatapos ng ginanap doon na Angat Buhay Youth ARMM Summit. Sa pagkakataong ito, binigyang-diin naman ng Pangalawang Pangulo ang mahalagang papel ng kabataan sa ating lipunan.

Sa kanyang talumpati, sabi ni VP Leni: “Naniniwala kami na iyong mga leader, walang monopoly of good intentions. Wala kaming monopoly ng husay, wala kaming mono­poly ng magagandang plano.” Ang sabi niya, ang kailangan maging mas empowering ang gobyerno at bigyan ng pagkakataon iyong ordinaryong mamamayan na makilahok sa pagplano.

Kaya ito rin ang na­ging pokus ng Angat Buhay Youth ARMM Summit. Programa ito ng Office of the Vice President para palakasin ang sektor ng kabataan, para mabigyan sila ng boses at maging aktibo sila sa pagsulong ng mga programang makakatulong sa kanilang mga komunidad. Lalo na sa Mindanao, ang kailangan ng rehiyon ay mga programang magsusulong ng pangmatagalang kapayapaan sa lugar.

Ito na ang pangala­wang Angat Buhay Youth Summit na ginanap sa Mindanao; ang una ay sa Cagayan de Oro nitong Agosto lang. Tulad noon, mayroong 30 na youth organizations ang nakilahok sa summit, kung saan nag-pitch sila ng mga proyekto para sa napili nilang adbokasiya sa kanilang mga komunidad. Mula sa 30, may 10 na magwawagi ng seed grant mula sa US Embassy at Office of the ARMM Regional Governor para ipatupad ang kanilang mga programa.

Sa darating na mga buwan, ito rin sana ang isaisip natin, alang-a­lang sa kinabukasan ng mga susunod na he­nerasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More