Una sa Balita

Kabastusan ng Panday Sining

0 513

Dear Abante:

Hindi maiju-justify ng grupong Panday Sining ang ginawa nilang bandalismo sa Lagusnilad sa Maynila. Sinusuportahan ko ang gagawing aksiyon ni Yorme Isko Moreno kung itutuloy man niya na padilaan sa mga sumira sa bagong pintang lugar sa Maynila. Isang malaking kabastusan at kalapastanganan ang kanilang ginawa. Hindi ‘art’ kundi pambababoy sa malinis na lugar ang aksiyon ng Panday Sining.

Pilit na pinapaganda at inaayos ni Yorme ang kanyang siyudad pero may mga walang kuwentang tao na basta na lamang gumagawa ng desisyon na nakasisira sa magandang adhikain ng alkalde.

Sa totoo lang, hindi naman ito ang unang pagkakataon na may ganitong insidente. Nakakatuwa lang na ‘vocal’ si Yorme at nakakainis namang tunay ang insidenteng ito. May mga tao talaga na walang magawa sa buhay. Sana hindi lang mga taga-Maynila ang magkaroon ng pagkainis sa grupo ng Panday Sining. Kasi walang sining sa kanilang ginawa.

Kung mayroon mang dapat na concern sa isyung panlipunan, hindi tamang venue ang kanilang pinagdal­han. Sila ay bahagi ng problema ng lipunan. Hindi sila kabahagi sa solusyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy