Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kabarangay na umawat sa away pinagbabaril

0 178

Nasawi ang isang lalaking umawat lamang sa away ng dalawang kabarangay matapos na ito at ang dalawa pang kasama ay pagbabarilin ng isa sa magkaaway sa Dolores, Quezon noong Biyernes ng gabi.

Isang tama ng bala sa tiyan ang ikinamatay ng biktimang si Ronald Danila, 41, residente ng Brgy. Bungoy. Sugatan din ang isa pang biktima na si Jovet Gutierrez, 39 na tinamaan din sa iba’t ibang bahagi ng katawan samantalang nakaligtas naman ang kasama ng mga ito na si Roberto Capisanan.

Batay sa Dolores Police, kasama ang iba pang kabaranggay, naglalaro ng softball ang mga biktima sa bakanteng lote sa tabi ng kalsada nang magkaroon ng kaguluhan dahil sa pag-aaway ng suspek na si Odelon Alinea at ng isa sa nanonood ng laro na si Reygan Isuga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naharangan umano ng motorsiklo ni Alinea ang motorsiklo ng nagdaraang suspek kaya humantong sa mainit na pagsasagutan ng dalawa na agad ding naawat nang mamagitan ang tatlong biktima kaya umalis ang suspek.

Subalit bumalik ito kasama ng pinsan na si Leozar Alinea na armado ng maiksing baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang tatlo.

Agad isinugod sa ospital ang dalawa subalit ideneklarang dead on arrival si Danila.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga awtoridad ang dalawang tumakas na ssuspek na nahaharap sa kasong murder at attempted murder. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.