Una sa Balita

Kabanata ni Durant, tiniklop na ng GSW

0 325

NAKA-MOVE ON na si Golden State general manager Bob Myers sa pagkawala ni Kevin Durant na nagpas­yang lumipat sa Brooklyn Nets.

“I have a peace about it,” ani Myers.­

Nabanggit daw ni Durant na handa na siya sa bagong kabanata ng career pagkatapos ng championships sa Warriros noong 2017 at 2018 bilang Finals MVP.

“I think all along, to me it was a blessing that he came, that he wan­ted to be part of this,” dagdag ng GM. “This is a guy who can move in whatever direction he wants because of his talent. He came and he delivered.”

Matagal-tagal din daw ang one-on-one talks nina Durant at Myers sa New York bago pa ang Instagram announcement ni KD noong Hunyo 30 na pipirma siya sa Nets ng max contract.

Isang taong sasalang sa rehabilitasyon si Durant habang nagpapaga­ling sa operasyon ng achilles tendon na nakuha sa Game 5 ng NBA Finals. Tinalo ng Toronto Raptors ang Warriors sa anim na laro. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy