Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kabaliwan kinasasabikan: Anne pinupuwersang bumalik na sa ‘Showtime’

0 85

Marami na ang nakaka-miss kay Anne Curtis bilang host sa “It’s Showtime” at isa na roon ang matalik niyang kaibigang si Vice Ganda.

Ang isa kasi sa mga tanong sa hit segment na “Madlang Pi-Poll” noong Sabado (September 11) ay kung ano ang name-miss ng mga manonood sa “It’s Showtime.” Ayon sa studio players na BoybandPH, miss na raw nila ang okrayan nina Vice at Anne dahil matagal na ngang hindi napapanood si Anne sa show para alagaan ang anak niyang si Dahlia.

Nag-agree naman si Vice sa sagot nila at nagawa pa niyang magbiro na dapat nang bumalik na si Anne dahil masyado nang matagal na nagpapahinga ang aktres.

“’Di ba ang tagal na niyang nagre-rest no? Ang tagal na din. Anne, medyo matagal na! Pero we understand. But we would appreciate… charot! Ang tagal na, nakaka-miss kasi si Anne. Pero napapanood naman tayo ni Anne,” natatawang hirit ni Vice.

“Maraming salamat dahil may studio tayo dahil kay Anne. Kung hindi niyo naitatanong, madlang people, nandito tayo ngayon sa loob ng bunganga ni Anne Curtis. Huwag kayong maingay baka hindi siya nanonood, hindi niya ‘to alam,” masayang biro pa ni Vice habang nagtatawanan ang kanyang mga co-host.

Nakita nga ni Anne ang video na pinagtitripan siya ni Vice kaya nag-tweet ang aktres ng “TELEGE BA MEME?!!!!!! @vicegandako.” Nakisali rin ang netizens sa kulitan at nakiusap kay Anne na bumalik na sa noontime show dahil miss na miss na nilang mapanood ang okrayan ng dalawa.

Habang inaantay ng madlang people ang pagbabalik ni Anne, dapat muna nating abangan ang grand finals ng “Tawag ng Tanghalan” na ngayong linggo sa “It’s Showtime.” Walong grand finalists ang magpapasiklaban sa enggrandeng huling tapatan upang magwagi bilang grand champion ng kumpetisyon. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.