Una sa Balita

Kabaitan ni Direk Maryo inalala nina Mother Lily, Sunshine, Ai-Ai, Goma

By
0 5,603

Patuloy ang pagbuhos ng mga alaala ng mga taong natulungan ni Direk Maryo J. delos Reyes na nakatrabaho niya nu’ng nabubuhay pa siya.

Isa na ang producer na si Mother Lily na naglabas ng pasasalamat sa kanyang Instagram sa director.

“You’ll be missed dearly Direk Maryo. Thank you for all your contribution to Regal and the movie industry. Your passion and energy will be greatly missed. Those laughter, memories, stories, wisdom, generosity, passion, kindness you shared has been very significant to me since I was young and will always remain in my heart. I love you Direk Maryo. May your soul rest in peace,’ mensahe ni Mother Lily.

Abante Hiring – IT dep

Heto naman ang ibinahagi sa IG ni Ai-Ai delas Alas.

“Pag mulat ng mata ko ito ang balitang nabasa ko…sobrang nakakalungkot. Sya ang unang una kong direktor sa TV…ang 13, 14, 15 – REST IN PEACE DIREK MARYO J… and deepest condolences sa family ni direk maryo…and ruru anak condolence din sayo…”

Durog naman ang puso ni Sunshine Dizon sa pagpanaw ng direktor. Naging direktor niya si Maryo sa Tuwing Kapi­ling Ka. Inalala niya ‘yung malamig nilang shoot sa Baguio na car crash scene kung saan patungo sa pagkabulag niya sa kuwento ng series.

“I will never forget how he lovingly removed plastic shards mixed with fake blood on my face because he was worried that the plastic and blood will hurt my eyes. Si Direk Maryo din ang director namin sa Impostora. Ayaw na ayaw ni Direk ang nagco-complain at di sumusunod sa hinihingi ng storya.

“May isang pagkaka­taon na kailangang igapos ang mga kamay ko sa eksena nakiusap ako sa nagtali na wag masyadong hihigpitan dahil madali akong nagkakapasa inakala ni Direk na nagco-complain ako kayat pinatalian pa niya ito nang husto.

“Makaraan ang ilang taon at nakwento ko sa kanya ulit ito nu’ng ginagawa namin ang Parikoy, niyakap nya ako at sinabing ang importante nabigyan niya ako ng Best Supporting Actress award sa Impostora,” bahagi ng caption ni Sunshine.

May movie pang sinabi ang direktor sa aktres at sumagot naman siya. Pero hindi na nga matutuloy ‘yon sa pagpanaw ng director. Nagpasa­lamat pa rin siya dahil siya ang napili ng director sa role.

Isa rin si Richard Gomez sa hinubog ni direk Maryo bilang actor. Mula sa una niyang movie na Hindi Mo Ako Kayang Tapakan, Inday Bote at iba pang pinagsamahang pelikula, isa na ngayon si Mayor Goma sa magaga­ling nating aktor.

Anyway, sa Jan. 30 (ngayong 6 p.m.) sa Loyola Memorial, Commonwealth Avenue magsisimula ang burol kay Direk at sa Feb. 03 naman ang libing nito.