Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kabahan ka na Julia: Ivana, Gerald nagliliyab ang lampungan

0 138

Puno ng init, kaelya-elya, nag-aapoy, nagliliyab!

Ganiyan nga i-describe ng mga netizen ang teaser pa lang ng ‘A Family Affair’ ng ABS-CBN, na bida sina Ivana Alawi, Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake, Jake Ejercito.

Kaloka nga, lalo na ang eksena nina Ivana, Gerald, na pinupunasan ni Gerald ng towel ang dibdib ni Ivana, at sinubo naman ni Ivana ang daliri ni Gerald.

Kaloka, di ba? Kauhaw-uhaw talaga.

At siyempre, mas lalong nagliyab ang eksena sa romansahan ng dalawa. Maalab ang halikan nila, lalo na ang pagdampi ng mga labi ni Gerald sa katawan ni Ivana.

Mapapa-‘whew’ ka talaga, dahil super init talaga.

“The Estrella family who will test loyalties and love is here to make our nights exciting as they slowly unveil the secrets hidden from the family. The #AFamilyAffairTrailerStripped is here!” caption sa teaser nila.

Pero siyempre, naglaro na ang isip ng mga netizen. Biglang-bigla, lumabas ang pangalan ni Julia Barretto, dyowa ni Gerald, at katakot-takot ang ‘pananakot’ sa kanya, na baka iwanan na siya ni Gerald, para kay Ivana. Heto nga ang chika, pambuburaot ng mga fan:

rjay_carl23, “Julia is shaking! Chariz!”

kimhieann, “Kabahan ka na Julia Barretto.”

annagaoiran, “Lol they look good together.”

prudencejacinto, “Wag ka magkakamali Ivana hahaha.”

sadiya_kalvakuntla, “I can’t wait to watch this. Omg Julia kaya pala sinabihan niya si Joshua Garcia na huwag muna magdyowa. Hahahahahahaha. Kasi alam na.”

christinaengling, “Ivana Alawi? Susko Julia magdasal kana.”

Pero siyempre, marami rin ang humihiling na tigilan nila si Julia, na nanahimik ito, at hindi ito kasama sa teleserye. Na kahit anong mangyari ay hindi na mabubuwag ang Julia, Gerald relationship.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.