Una sa Balita

Kabagalan ng DSWD-CAR inireklamo ng mga biktima ng bagyo

By
0 472

MARAMI sa mga biktima ng dumaang bagyong Ompong at Rosita ang nagre­reklamo sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development-Cordillera Administrative Region (DSWD-CAR) dahil sa mabagal at sobrang tagal na pagbibigay ng kaukulang tulong o ayuda para sa kanila.

Ayon sa kanilang reklamo sa opisina ng DSWD-CAR, sa pamumuno ni Regio­nal Director Janet Armas, hindi pa umano naibibigay ang mga tulong gaya ng livelihood education program para sa kanila na naapektuhan ng dala­wang bagyo.

Samantala, depensa naman ni Armas, hinahanda pa lang ang mga requirement sa pagbibibigay ng livelihood education program sa mga biktima maliban sa naunang non-food assistance.

Aniya, batay sa kanilang listahan, aabot sa mahigit 115,000 pamilya ang nabiktima ng dalawang magkasunod na bagyo sa Cordillera Administrative Region.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy