Una sa Balita

Kababaihan pinahahalagahan ng gobyernong Duterte — Angara

0 308

MULING pinatunayan ng Pilipinas na ito ay isang bansang may malaking pagpapaha­laga sa kapakanan at karapatan ng kababaihan.

Ito ay matapos lagdaan at isabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Expanded Maternity Leave Act na nagkakaloob ng 105 araw na pahinga para sa kababaihang nagsilang mula sa umiiral na 60 day lamang.

Ayon kay reelectionist Senator Sonny Angara, co-author at co-sponsor ng natu­rang batas, ang pribilehiyong 105-day leave na nakapaloob dito ay naglalayong bigyan ng sapat na pahinga ang women workers mula sa pribado at pampublikong tanggapan at upang matutukan nang husto ang kanilang bagong silang na sanggol.

“Dapat nating ipagmalaki na kaisa na tayo ng ibang mga bansa sa buong mundo na kumikilala sa karapatan at kahalagahan ng kababaihan,” ani Angara­. “Dahil malaki ang ginagampanang papel ng mga manggagawang babae sa pagsusulong ng ating bansa, dapat nating ibigay sa kanila ang nararapat na pasasalamat at pangangalaga.”

Aniya, ang batas na ito ay maituturing na “historical win hindi lamang ng kababaihan at ng mga Nanay, kundi ng buong bansa.”

“Kung mas mahaba ang pahinga ng mga babaeng bagong panganak, siguradong mabibigyan nila nang nauukol na oras, atensyon at nutrisyon ang kanilang sanggol. Isa pa, mas madali rin nilang mababawi ang lakas ng katawan kung makapagpapahinga sila nang maayos,” saad pa ni Angara.

Base sa mga naglabasang ulat nitong mga nakaraang taon, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na may patas, at pinakamaayos na pakikitu­ngo at pagtratrato sa kababaihan.

Sa overall score na 86.3/100 ang nakuha ng Pilipinas, at siyang natatanging bansa sa Asya na pumasok sa Top 20 ng mga bansang may mataas na pagpapahalaga sa kababaihan. ­­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy