Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kababaihan Laban sa Pandemya

0 172

Ngayong Women’s Month, patuloy ang mga programa ni VP Leni Robredo at ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo para sa ating mga kababaihan, kanilang mga pamilya, at komunidad.

Sa mga programang ito, gaya ng iba pang inisyatibo ng Tanggapan, hindi tayo basta-basta nag-abbot ng panandaliang ayuda. Sinisigurado natin na ang ating tulong ay magiging instrumento para ang mga kababayan natin mismo ay magkaroon ng kakayahang mabago at mapaganda ang sarili nilang kinabukasan.

Gaya ng kuwento ni Nanay Socorro na isa sa ating mga nanay entrepreneurs sa Iskaparete.com. Tatlong dekada nang nagtatrabaho si Nanay Socorro sa isang sugar production company sa Kabankalan, Negros Occidental. Matapos ang ilang taong pagiging empleyado, nagretire si Nanay Socorro para habulin ang pangarap niyang magtayo ng sariling negosyo. Dito nabuo ang Bobette’s Delicacies kung saan gumagawa at nagbebenta siya ng iba’t ibang chips at crackers na gawa sa kamote, saging, guyabago, at kalabasa.

Si ate Rizza Jade Babon naman ay isa ring women entrepreneur. Tubong Lamitan City, Basilan, pinasok ni ate Rizza ang paggawa ng iba’t ibang produktong yari sa Yakan cloth para makatulong sa asawa, at maitaguyod ang tatlong anak. Ang kita mula sa pagbebenta ng mga bag, coin purse, placemat, hikaw at iba pa ang napagkukunan ng mag-asawa ng pangtustos sa pang-araw-araw ng pamilya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Nanay Socorro at Ate Jade ay ilan lamang sa mga kababaihang buong tapang na lumusong sa pagnenegosyo. Ngunit sa pagdating ng pandemya, lalong naging mahirap para sa kanila ang kumita. Dahil sa COVID-19, hindi lang sila nabawasan o nawalan ng pagkakataong makabenta ng kanilang produkto, nahirapan din sila makakuha ng mga materyales para dito. Buti nalang ay mayroon tayong programa sa Bayanihan Mart, ang Iskaparate.com.

Sa pakikipagtulungan ng Iskaparate.com, nabibigyan natin ng pagkakataon ang ating mga kababaihan na mapalago ang kanilang kaalaman sa pagpapatakbo ang kanilang mga negosyo. Kasama dito ang pagbibigay ng online platform kung saan maaring mas marami pa ang maabot nilang mamimili, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Dito, maaari nilang i-showcase ang mga pinagmamalaki nilang kabuhayan—mula sa paggawa ng sari-saring mga damit at kagamitan, hanggang sa pagluto ng iba’t ibang food products, at maging mga serbisyong hinahandog nila. Layunin nitong makatulong sa pag-market ng kanilang mga kabuhayan, para mas mapalago nila ang kanilang kinikita araw-araw, at para mas lumawak pa lalo ang kanilang network sa negosyo.

Isa lamang itong Bayanihan Mart sa mga programa na pinamumunuan ni VP Leni na nakatutok sa pagtulong sa ating mga kababaihan. At hindi lamang ito sa panahon ng Women’s Month. Dahil sa simula pa lang, ang mga programa para sa mga kababaihan ay isa sa mga haliging adbokasiya natin sa Tanggapan. Naniniwala tayo na napakalaking pagbabago ang mamumunga mula sa pagbigay pansin sa mga pangangailangan ng ating mga kababaihan.

Happy Women’s Month po sa inyong lahat!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.