Una sa Balita

‘Kaartehan’ nina Gabby, Sharon kalait-lait

By
0 2,295

O ‘di ba, at parang mga batang nag-unfollow-han sa kanilang mga social media accounts sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, matapos ang anik-anik na emote hinggil sa reunion movie project nila?

Chaka na talaga at lalaitin na namin sila nang todo-todo kapag ‘gimik at pakulo’ na naman ito gaya ng ginawa nila sa isang food chain TV endorsement nila.

After kasing mag-post ng mga throwback photos si mega at magpahayag ng magagandang bagay sa ex-husband niya, aba’y biglang nagka-project sila. Pero after nun, bigla din niya itong tinanggal at ang latest nga ay itong emote niya na never na daw matutuloy na project nila ni Gabby.

Pero sa totoo lang, sa lahat ng nangyayari, mas madaming hanash si mega at isang beses lang yatang nag-react si Gabby, bago nga ang tsikang ngayon ay hindi na nila pina-follow ang isa’t isa.

Teka lang ha, tama pa ba ang iniaarteng ganyan sa mga edad nila?

Zsa Zsa hindi ikinahihiya ang mga linya sa mukha

Speaking of umaayon sa edad, saludo kami kay Zsa Zsa Padilla nang ipagmalaki nitong at 53, hindi niya ikinahihiyang may mga linya na siya ng ‘edad’ sa mukha at lalo na sa kanyang mga kamay.

Sa pagpiyesta ng mga ‘mema’ sa social media, napakabongga ng sagot ni divine diva na gusto umanong e-enjoy ang natural process ng pag-age.

Ganyan ang halimbawa ng mga celebrities na marunong tumanggap ng mga ganap sa buhay hahaha!

Lahat naman tayo ay sa ganun pupunta, bakit nga ba magpipilit pang magmukhang teenager, di ba? Baka sa feelings, puwede pa hahahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy