Una sa Balita

Kaabang-abang ang Maynila kay Isko

0 375

Kaye Dacer

Ilang tulog na lang ay bago na ang Mayor ng Maynila sa katauhan ni Mayor-elect Isko Moreno.

Alam niyo bang marami ang nag-aabang sa pamumuno ni Mayor-elect Isko at isa ako dito.

Sa dami pa naman ng problema sa Maynila, unang-una na ang sangkatu­tak na basura ay talagang nakaka-excite panoorin ang mga gagawing hakbang ni Isko para manumbalik ang ganda ng Maynila.

Sorry to say pero talaga namang nagmukhang basurahan ang karamihan sa lugar sa Maynila sa ilalim ng administrasyon ni outgoing Mayor Erap Estrada.

Ang mga sidewalk vendor ay nagkalat lalo na sa bahagi ng Divisoria kaya naman resulta nito ay ang iniiwan nilang mga nakatiwangwang na mga basura.

In fairness kay Mayor Erap ay nagawa naman niyang paluwagin ang ilang lugar sa Maynila katulad sa bahagi ng Quiapo. Lumuwag nang konti ang daloy ng trapiko dahil binantayang mabuti ang mga sidewalk vendor.

Isa ito sa dapat na ipagpatuloy ni Ma­yor-elect Isko para naman mabawasan ang napakahabang oras ng biyahe ng ating kababayan.

Speaking of Ma­yor-elect Isko, isang good news sa mga empleyado ng city hall ang kanyang binitiwan nang magkaharap sila ni Mayor Erap.

Ayon mismo kay Isko, wala siyang gagawing pagbalasa sa hanay ng mga opisyal sa mga departamento ng pamahalaang-lokal pero alam naman umano niyang karamihan sa mga ito ay co-terminus ng admi­nistrasyong Estrada.

Sa panig naman ni Mayor Erap ay kanya nang inatasan ang lahat ng hepe ng mga departamento na ihanda na ang kanilang isusumi­teng report, pati na rin ang mga imbentaryo sa mga gamit sa kanilang mga tanggapan para sa maayos na pagsasalin nito sa mga papalit sa kanilang posisyon.

Mukhang smooth ang pagsasalin ng kapangyarihan nina Isko at Mayor Erap sana ay ma­ging ganito rin kaayos ang iba pang local government units na magpapalitan ng poder.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy