Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ka-party ni Christine pinuslit droga sa City Garden

0 201

Kinontra ng isa sa mga kaibigan ni Christine Dacera ang pahayag ng ilan nilang kasama na walang droga sa idinaos nilang party noong Bagong Taon nang ipagtapat niyang kabilang sa inimbita nilang tropa ang nagpuslit ng tinatawag na ‘power drug’ na inihalo umano sa inumin ng nasawing flight attendant.

Sa testimonya ni JP Dela Serna, tinukoy niya si Mark Anthony Rosales na siyang nagpuslit diumano ng power drugs sa kanilang party sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Nag-iinuman umano sila dakong ala-una ng madaling-araw nang dukutin ni Mark sa kanyang medyas ang power drug na nakabalot sa plastic.

Niyaya umano ni Mark si Dela Serna na gumamit nito pero tumanggi ang huli.

SM food to go Banner Ad

Ilang sandali lang ay nakita na umano ni Dela Serna sina Louie de Lima at Mark na lango na dahil sa ginamit na power drugs na dala nito.

Matatandaang sinabi rin ni Rommel Galido sa press conference kamakailan na nagsumbong sa kanya si Dacera na may hinala siyang hinaluan ni Mark ang kanyang inumin kaya nag-iba ang kanyang pakiramdam.

“Tumabi siya sa’kin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something, parang naiiba ‘yung pakiramdam ko.’ I think merong naglagay sa drink ko. Sabi ko lang sa kanya, ‘Gaga, kung ano anong pinag-iisip mo.’ Gumano’n lang ako sa kanya then dinedma ko na siya, bumalik na naman ako sa pagtulog,” ani Gaiido.

Tukoy na ng National Bureau of Investigation ang pagkakakilanlan ng mga umokupa sa Room 2207 na katabi ng Room 2209 na at nakasama ng grupo nina Dacera. Naniniwala rin ang ahensya na may naganap na foul play sa sinapit ni Dacera at mananagot ang mga ito sa nasabing krimen. (Mia Billones)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.