Una sa Balita

Ka-live in, pinatay sa selos saka nagbaril

By
0 106

Marahil sa matinding selos, binaril at napatay ng isang Intsik ang kanyang live-in partner at pagkatapos ay nagbaril din ito sa sarili sa Butuan City kamakalawa.

Sa imbestigasyon ng Butuan City Police Station 1, kapwa duguan at wala nang buhay na nakahandusay sa sahig ang mag-live in partner na sina Lalaine Delos Reyes at Jerry Kho, isang Chinese businessman nang datnan ito sa loob ng kanilang kwarto.

Bandang alas-11:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima sa kanilang bahay sa Barangay Villa Kananga, Butuan City ilang minuto makaraang makarinig ng malakas na putok ang ilang kapitbahay.

Sa pagsisiyasat, nari­nig ng ilang kapitbahay na hindi na nagpakilala na nakarinig sila ng isang putok ng baril at sumi­sigaw ang lalaki pero ilang minuto pa ang naka­lipas ay muli silang nakari­nig ng isa pang pu­tok kaya ini-report na nila sa pulisya. Dito na tumambad sa mga awto­ridad ang bangkay ng da­lawa.

Sa inisyal na imbestigasyon, madalas umanong mag-away ang mga biktima dahil sa madalas umanong pagsese­los ng lalaki sa babae.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa pangyayari.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy