Una sa Balita

Ka-live in binurdahan ng saksak dahil sa selos

By
0 2,713

Nadiskubreng wala nang buhay ang isang babaeng production o­pe­rator matapos umanong saksakin ito ng kanyang ka-live in sa Mabuhay City Subd., Brgy. Bac­laran, Cabuyao City, Laguna, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Marian Valenzuela y Balucan.

Ayon sa isang Marites Valenzuela, kapatid ng biktima, bandang alas-kuwatro ng madaling-araw nang makatanggap umano ito ng isang text message buhat sa suspek na si Ryan Egoc, 28-anyos, isang matadero, na umano ay nasaksak niya ang biktima.

Matapos ipagbigay-alam sa mga pulis, agad tinungo ng mga awtoridad ang tahanan ng biktima kungsaan natagpuan itong wala nang buhay.

Sa pagsusuri, na­pag-alamang dalawang tama ng icepick sa dibdib ang ikinasawi ng biktima.

Selos umano ang sinasabing motibo sa krimen.

Pinaghahanap na ngayon ang biktima na nahaharap sa kasong homicide.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy