Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ka-level ni Bieber, BTS: Fil-Am Olivia big winner sa VMAs

0 11

Ang Fil-American singer na si Olivia Rodrigo, K-Pop boyband na BTS, ang Canadian pop star na si Justin Bieber at ang rapper na si Lil Nas X ang tinanghal na big winners ng 2021 Video Music Awards or the VMAs.

Nauwi ni Lil Nas X ang award for Video of the year, Best Directon and Best Visual Effects para sa music video niya na Montero (Call Me By Your Name).

Si Olivia Rodrigo ay nakatanggap ng tatlong awards: Best New Artist, Push Performance of the Year and Song of the Year for Drivers License.

“This is so insane. This has been the most magical year of my life. This is for all the other girls who write songs on their bedroom floor,” sey ni Olivia sa kanyang acceptance speech.

Si Justin Bieber ay nakuha ang Artist of the Year and Best Pop, for his song Peaches featuring Daniel Caesar and Giveon. Ito ang muling pagbalik ni Bieber sa VMAs after five years. Huli siyang um-attend ay noong 2015 pa. Tinalo niya sa Artist of the Year category sina Olivia Rodrigo, Ariana Grande, Doja Cat, Megan Thee Stallion and Taylor Swift.

Ang BTS naman ang nagwaging Best K-Pop at Group of the Year. Tinalo ng phenomenal K-pop group ang Blackpink, CNCO, Foo Fighters, Jonas Brothers, Maroon 5, Silk Sonic at Twenty One Pilots. Hindi nakadalo sa live show ang BTS at nagpasalamat sila via sa pinadala nilang video message.

Nakakuha naman ng Global Icon Award ay ang rock band na Foo Fighters na nag-celebrate ng kanilang 25th anniversary sa entertainment music business.
Muling nagbalik ang live audience sa VMAs na ginanap sa Brooklyn’s Barclays Center pagkatapos ng isang taon dahil sa pandemya. Pero lahat ng nasa audience ay naka-face mask bilang pagsunod sa health protocol ng event.

Nagbukas ng VMAs ay si Madonna na naka-all leather outfit bilang pag-celebrate sa 40th anniversary ng MTV.

“They said we wouldn’t last. But we’re still here motherf—ers,” sey pa ni Madonna.

Nag-surprise appearance rin sina Jennifer Lopez and Cyndi Lauper. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.