Una sa Balita

Ka-batch ni John Lloyd sa Star Circle huli sa buy-bust

0 527

TINATAYANG aabot sa P2,914,276 milyong halaga ng shabu ang nasamsam nang maaresto ng Cavite Police ang dating miyembro ng Star Circle Batch 5 (1997) na kasabayan nina Jhon Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ni Police Lt. Col. Vicente Cabatingan ang naarestong suspek na si Angela Garcia Bobis o nakila­lang si Angela Zamora at 30 iba pang kasama nito.

Sa ulat ng Bacoor City Police Station, nagsagawa ng Simultaneous Anti-Crimi­nality and Law Enforcement Ope­rations (SACLEO) ang Bacoor CPS sa pagitan ng Hulyo 11-13 kung saan 13 dito ay bust-bust operation, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 31 katao kabilang si Bobis na bahagi ng Batch 5 (1997) ng nasabing reality-based talent search.

Nakuha sa mga suspek ang 52 sachet ng shabu at 4 ziplock na pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy