Una sa Balita

K-Pop star nag-sorry: Pet dog nakapatay ng resto owner

0 36

Nagpalabas ng apo­logy si Choi Siwon, mi­yembro ng popular na K-pop boy band na Super Junior sa pagkamatay ng kilalang restaurant owner makaraang makagat ng kanilang pet dog.

Ang nasabing 53-an­yos na biktima na may apelyidong Kim ay may-ari ng sikat na Korean restaurant na Hinalkwan sa Seoul. Ito ay namatay sa ospital matapos ang blood poisoning noong Oktubre 3.

Nakagat ito ng asong si ‘Buxy’ na biglang nakawala sa pagkakatali habang inilalakad (dog walk) ng kanyang ama.

“I lower my head and apologise to the bereaved family… and convey my deep condolences,” sabi ni Choi sa kanyang Instagram account.

“As a member of the family raising the dog, I feel greatly responsible”, sabi pa ni 31-anyos na si Choi.

Gayunman, binatikos ang K-por superstar sa social media dahil hindi umano sincere ang paghingi nito ng apology.