Una sa Balita

K-Pop all-girl group pumalag sa kababuyan

By
0 657

Nagsalita na ang ex-member ng na-disband na K-Pop all-girl group na Stellar tungkol sa pag-sexually exploit sa kanila ng mga taong nagpatakbo ng kanilang group.

Ayon sa interview ng ex-member na si Gayoung a.k.a. Kim Ga-young sa South Korean publication na Insight, nagugulat na lang daw sila sa mga pagpapa-sexy na pinapagawa sa kanila kapag nagsu-shoot sila ng mga music video.

“There was a scene in which a member spills milk. The script said, ‘The cha­racter misses her ex-boyfriend; she tosses and turns in bed; she wakes up in the morning and drinks milk.’

“We thought, ‘Oh, she must be drinking milk because it’s the morning and she just woke up.’ So that member was filming the scene and drinking milk, and the director told her, ‘Try spilling some milk.’ She thought, ‘It must be because the character is exhausted,’ so she ended up spilling some of the milk.

“Later on, she realized that the scene could evoke a certain image, and she was extremely shocked and no longer drinks milk now because of that incident,” ­kuwento pa ni Ga-young.

Ilan din sa kanilang member ay uma­ayaw sa pinapagawang mga sexy scene, pero lagi raw silang tinatakot ng kanilang agency dahil may kontrata raw sila sa kanila.

Kabilang sa mga napilitang gawin ng mga member ng Stellar ay ang pagsuot ng mga provocative attire at ang stripping game promotional material tactics sa Facebook. Kapag maraming “likes” ang nakuha ng isang member, magpapakita raw ito ng isang body part.