Una sa Balita

K-drama ipapalit sa naiwang serye ni Eddie Garcia

0 742

By Rose Garcia

Down to its last two weeks na lang ang primetime series na “Kara Mia” at mapapanood na ang finale nito.

Ang alam namin, ang “Rosang Agimat” na pagbibidahan ni Gabbi Garcia at kunsaan, naaksidente sa taping ang premyado at beteranong actor na si Eddie Garcia na hanggang ngayon, comatose pa rin sa ICU ng Makati Medical Center, ay posibleng shelved na.

Kaya ang tanong namin, ano ang ipapalit ng GMA-7 sa “Kara Mia”? In fairness, hindi na in-extend pang muli ang “Kara Mia” para siguro magtapos pa rin ito sa totoong kuwento niya.

Mas nabi-build din ang excitement lalo ngayong magtatapos na kaya naman tumataas ang ratings ng primetime series na ito nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Pero ang tanong, ano ang gagawin ng network sa mababakanteng slot? Anong serye na ang ipapalit dito o iaakyat lang ba ng timeslot ang existing primetime series tulad ng “Sahaya” at “Love You Two”? Sana hindi… tulad ng “Love You Two” na consistent top-rater ng GMA at ang “Sahaya” na marami na ang sumusubaybay sa timeslot nito.

Sana mag-experiment na lang ang GMA at subukang itapat ang pina-plug na nilang bagong K-drama, ang “Sky Castle” na isa sa best k-drama sa first half of 2019.

Mga Kapuso stars din ang nag-dub sa mga characters nito. Ilan sa mga nag-post na nagda-dub nga sila for “Sky Castle” ay sina Chynna Ortaleza at Lotlot de Leon.

Aba, sabi nga, expect the unexpec­ted. Baka ito pa ang posibleng makatapat pala sa nangungunang “Ang Probinsyano” huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy