Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

K Brosas tinawag na ‘bruha’ si Harry Roque

0 1,557

Pinatutsadahan ni K Brosas sa pamamagitan ng hashtag ang isang abugado na bilang isang demonyo. Ni-retweet ni K ang video ng pagsasaya ng abugado kasama ang ilang mga tao na tila nasa loob ng isang resto.

Nagbubunyi ang mga ito sa kanilang itsura sa video, na wala namang makikita o maririnig na ang pagkaka-deny ng kongreso ng prangkisa ng ABS-CBN ang rason ng kasiyahan.

Pero sa caption ni @spemspemm, tinukoy niya na ang hatol ng 70 kongresista na i-deny ang pagre-renew ng prangkisa ng Kapamilya channel ang dahilan.

Sabi ni K sa video, “Bagong dance challenge sa TikTok yan…” at dinugtungan niya ng hashtag na #DimunyuDancePapasokNgImpyerno.

Tinawag ding “bruha” ni K si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Inilakip ni K ang news item ng isang newspaper na may statement si Roque na ganito…

“Hindi ako naniniwala sa chillin effect. Dahil unang-una, ang negosyo naman po talaga ng ABS-CBN ay hindi naman po balita kundi ito po ay isang entertainment.”

At ang reaksiyon ni K, “Sakapang Bruharry!!” (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.