Una sa Balita

K Brosas nausog version ni Ivana

0 400

Papasa nga bang mag-anak ang “Umagang Kay Ganda” host na si K Brosas at sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi? Kamakailan lang kasi ay nagbahagi si K Brosas ng kanyang picture kung saan kakaahon lamang niya sa pool with caption na “Nakapag-recharge, refresh, relax, spa overhaul etc.. thank you Lord! Lablablab! #nofilter.”

Nag-comment naman ang dating host na si Janelle Jamer, at sinabing nakikita niya si Ivana kay K Brosas.

“Ang dami nga nagsasabi hihi, kaya na-curious ako at check ko IG nya… grabeeeee naman ang ganda at ang sexy nya syet! Pero Sige ako na yung haggard o nausog version ni Ivana lol! Thanks pa din,” pabirong sagot naman ni K.

Well, mukhang may laban pa nga talaga si K sa kaseksihan ni Ivana. Knowing kung gaano kaingay ang pangalan ni Ivana ngayon sa social media dahil sa kanyang mga kuwela at nakakaakit na post.

Meaning, may asim pa nga si K at maaari pang itapat kay Ivana.

“Natawa Ako sa nausog,… pero promise kamuka mo… Maganda ka ate ano kaba!!!” reply naman ni Janelle.

Tuwang-tuwa ang mga fan sa naging sagutan ng dalawa. Marami rin ang sumang-ayon sa sinabi ni Janelle na magkamukha si Ivana at K. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More