Una sa Balita

K Brosas humiling ng dasal para sa kapatid na nurse sa Italy

0 585

Humihiling ng dasal ang singer-comedienne na si K Brosas para sa kanyang family members na nakatira sa Italy.

Ang Italy ang isa sa mga bansa na may pinakamalaking kaso ng COVID-19 patients na umabot na sa higit sa 100,000.

Ang nakakatandang kapatid ni K na si Emily ay isang registered nurse sa Italy at kabilang sa mga frontliners doon na tumutulong sa mga pasyente na infected ng COVID-19.

“This is my Ate Emily, a registered nurse sa Italy. Actually buong family ko nasa Italy matagal na.. bigla akong na-sad.. Pls pray for our hardworking health workers/frontliners,” post ni K sa Instagram.

Nakatanggap ng maraming comments at dasal si K mula sa maraming netizens. Pinasalamatan ni K ang lahat ng nag-alay ng dasal sa kanyang pamilya.

Bilang pagtulong naman ni K sa maraming frontliners tulad ng kanyang Ate Emily, nag-donate ito ng maraming personal protective equipment sa mga frontliners sa iba’t ibang ospital. (Ruel Mendoza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More