Una sa Balita

JV nakibalato sa ₱51B pork ng mga bata ni Gloria

By
0 330

HUMIHINGI ng P3 bil­yong balato si Senador JV Ejercito sa P51 bil­yong pork barrel fund na hawak ng mga bata ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Ejercito na gagamitin niya ang pondong ito sa rehabilitasyon ng Philippine National Railways (PNR).

Sa pagbisita ni Ejercito sa PNR depot, may mangilan-ngilan itong nasaksihang malinis at maaayos na tren na sa halip na gamitin ay hinayaan na lamang itong nakatambak.

Susi sana ito aniya para lumago ang ating ekonomiya subalit malinaw na pinabayaan na lamang itong mapag-iwanan ng panahon.

“Nanghihina­yang talaga ako sa PNR. Exis­tent pa ang maraming linya, kulang lang talaga ay rolling stock o tren mismo. Bakit ‘di natin ito gamitin, at bumili ng marami pang tren?” sabi ni Ejercito.

“Malinis at maayos ang ilang tren na nakita ko sa PNR depot. Nasakyan pa nga ang isa,” dagdag nito.

Dahil dito, nanawagan si Ejercito sa mga kongresistang nagbabangayan sa P51 bil­yong pork barrel fund na ibahagi na lang sa kanya ang P3 bilyon para magamit sa PNR rehabilitation.