Una sa Balita

JV, Lito Lapid tatalon sa NPC

By
0 1,213

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na tatalon sa kanilang partidong National People’s Coalition (NPC) sina Senador JV Ejercito at dating Senador Lito Lapid.

Sinabi ni Sotto na kabilang ang dalawa sa mga nagpahiwatig ng interes na lumipat sa kanilang partido para sa paghahanda sa May 2019 Midterm Elections.

Ayon naman kay Ejercito, magpapaalam lamang muna siya sa kanyang amang si dating­ Pangulo at ngayo’y ­Manila Mayor Joseph Estrada bago manumpa­ sa NPC sa susunod na buwan.

Ipinaliwanag ni Ejercito na iniiwasan lamang niya ang senaryo na magkasabay silang tatakbo ng kanyang kuya na si dating Senador Jinggoy Estrada sa ilalim ng partido ng kanilang ama na Partido ng Masang Pilipino­ (PMP) kaya’t tatalon sa NPC.

“Kung meron man akong lilipatan, NPC ang pinakakomportable ako kasi marami akong kaibigan halos lahat ng nasa NPC mga kaibigan­ ko,” saad ni Ejercito.

“Yung tungkol naman kung bakit ako lili­pat kasi parang naisip ko lang na parang hindi maganda kung sakaling magtuloy nga kaming­ magkapatid na tatakbo tapos iisa ang ­aming partido. It don’t look good kaya I’m conside­ring transferring to other party,” dagdag pa nito.

Inamin ni Ejercito na una niyang kinunsidera ang PDP-Laban subalit dahil sa magulong sitwasyon ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi na niya ito itutuloy.

Hindi na rin natatakot­ ang senador kung hindi siya dalhin ng PDP-Laban sa kanilang line-up dahil anya ieendorso naman siya ng Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara Duterte.

“Okay lang, may Hugpong naman na,” diin ni Ejercito.

Ayon naman sa mga source, isa rin sa nagpahiwatig ng paglipat sa NPC ang isa sa kilalang kaalyado ng Pangulo na si Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Sa pahayag ng source, nagparamdam na rin si Pacman ng interes na lumipat subalit hindi pa ito naipapaalam kay PDP-Laban President Koko Pimentel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy