Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

JV, Jinggoy sisihan sa olat noong 2019, nabuhay

0 320

Nabuhay ang dati ay iringan ng magkapatid na dating senador JV Ejercito at Jinggoy Estrada nang kapwa matalo sa pagka-senador noong 2019 elections.

Para kay JV, napamahak siya dahil tumakbo rin noong nakaraang eleksyon ang kanyang kapatid na si Jinggoy kaya’t nahati ang kanilang boto.

“Siguro kung hindi ako nasabayan ng kapatid ko, siguro almost sure top 8 ako at least,” ani JV sa interview ni Jon Ibanez sa programang Balitaan at Kumustahan sa politiko_ph.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Wala tayong trabaho, alam mo namang nadisgrasya tayo nung eleksyon. Nadisgrasya tayo sa hindi ko kasalanan, maganda ang aking track record, maganda naman ang aking performance. Hindi ko naman kasalanan yung hindi ako nakalusot,” diin pa niya.

Rumesbak naman si Jinggoy sa patsutsada ng kanyang kapatid.

“Kapal ng mukha niya!” sagot ng dating senador sa text message nang hingan ng reaksyon ng Abante.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.