Una sa Balita

Justin, Hailey may ‘baby boy’ na

By
0 732

May bagong member na sa pamilya ng mag-asawang Justin Bieber at Hailey Bieber.

Ito ay ang kanilang pet puppy na si Oscar Bieber na tinuturing nilang baby sa ngayon.

Maraming post sina Justin at Hailey sa adopted puppy nila na si Oscar na mula sa isang animal shelter. Mula sa pagkain, paglalaro hanggang sa makasama rin nila ito matulog sa iisang kama.

Ito nga ang magiging baby nilang mag-asawa ngayong Christmas at New Year.
“Meet our dogson his name is #Oscar… Merry christmas from Oscar. Doggerzzz,” caption pa ni Justin sa IG post niya.

“My Christmas baby. I know it’s overload but c’mon!” post naman ni Hailey.

Kilalang animal lover si Justin at ang matagal niyang naging pet dog na si Sammy ay iniyakan niya noong pumanaw ito noong 2014. Ngayon lang daw ulit naisipan na mag-ampon ni Justin ng pet dog.

Noong 2013 naman ay nag-adopt siya ng isang capuchin monkey na si OG Mally.

Pero kinumpiska sa kanya ng German customs ang naturang pet monkey at nilagay sa quarantine dahil wala raw proper documents ang monkey para makapasok sa bansa. Nagpaalam si Justin kay OG Mally noong i-relocate ito sa Serengeti Park in Copenhagen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy