Una sa Balita

Justice For Corona

By
0 464

‘Bayad-utang’ man na masasabi ang pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Justice Teresita De Castro bilang bagong Chief Justice marapat lamang dahil naituwid ang na­ging pagkakamali sa pag-appoint noon kay Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ang pagkakaalis kay Sereno sa anumang paraan para sa akin ay katarungan para sa mga maling ginawa sa pag-alis kay dating Chief Justice Renato Corona.

Hanggang ngayon naniniwala ako na ang pagkatanggal kay Corona ay ‘personal at politika’ sa pinakamataas na antas.

Hindi dapat nangyari iyon kundi lamang bumaha ng pera at sinupalpal sa mga ‘hukom’ na nagdesisyon laban kay Corona.

Hindi pa huling ituwid ang naging kawalang katarungan ng estado kay Corona, lalo na ng gobyerno ni Ninoy Aquino.

Balitawit:

Pagdating ng panahon (Ice Suegerra)

Alam kong hindi mo alam

Ako lang ang may alam…

Paghihintay mo noon..

Umaasa kahit ‘di man ngayon

Mapapansin mo rin

Mapapansin mo rin

Alam kong wala kang alam

Na susunod ka riyan…

Hinihintay mong talaga…

Umaasa kahit ‘di nu’ng wala pa..

Hahanapin mo rin

Hahanapin mo din

REFRAIN:

Kulang ba sa panahon?

Ang binigay ko na posisyon..

Baka tibok ng puso ko’y bigyan kita ng ekstensyon…

Sana nga’y may magawa…

Pitong linggo mula ngayon…

Sana‘y di naman mapahiya..

Kaunti man ang Panahon…

Alam kong hindi mo alam

Bayad utang ba ‘yan?

Seniority ang basehan..

Maniwala kahit bola lang ‘yan…

Bawing-bawi mo rin

Bawing-bawi mo rin

REFRAIN:

Kulang man ang panahon..

Baka ikaw rin at ako

Baka sa pagretiro mo’y kunin kita sa Palasyo…

Sana nga’y mangyari ‘yon tiyak na may mapipikon….

Sana ay may gawing aksyon!

Kulang man ang panahon

BRIDGE:

‘Di pa siguro bukas

‘Di pa rin ngayon

Malay mo balang araw

Si Carpio rin ‘yon…

REFRAIN:

Pagdating ng panahon

Baka ikaw rin at ako…

Baka sa pagretiro mo’y ipalit kita ron kay Uson!!!

Sana nga’y mangyari yon

Kahit ‘di pa lang ngayon

Sana nga ay ok na rin,

Kaunti man ang panahon…

Lord Kayo na po ang bahala!