Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-9 na labas

 “Michael, we need more sources and chances­ kung desidido ka talagang tulungan ako.”
Saglit na tinitigan ni Michael ang asawa.

“What?” kunot-noo si Andrea.

“Okay fine…   tomorrow…”

Mukhang mapapasubo si Michael dahil nagsinungaling lang naman siya. Pero hindi niya inaasahan ang magi­ging reaction ni Andrea sa simpleng pagpayag niyang iyon. Bigla itong tumayo sa upuan at lumapit sa kanya para lang yakapin siya.

“Thank you ­Michael.”

Isang simpleng yakap at thank you na tila humaplos sa puso niya.

Madaling-araw na nang makauwi sa bahay ang dalawa dahil lumipat pa sila sa dalawa pang magkaibang bar at nagtanung-tanong.

Sa iisang kuwarto lang sila magpapalipas ng gabi dahil ayaw nilang pagdudahan ng matanda ang tunay na namamagitan sa kanila.

“Oopps! Teka, saan mo balak mahiga ha?” awat ni Andrea sa akmang paghiga ni ­Michael sa kama.

“Saan pa, natural dito sa tabi mo.”

“Wag na kasi, diyan ka na lang sa sahig!”

“What? Alam mo pinagpasensiyahan na kita nung hinulog mo ako sa kama natin ha.”

“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Pagkakaila ni Andrea.

“Asus, hindi raw!”

“Bakit ba nagrereklamo ka, pasalamat ka nga kasi hindi ko kayo dinemandang magkapatid sa ginawa nyo sa’kin, kaya dapat sumunod ka na lang sa kung anong gusto ko!”

“So hanggang kelan?”

“Hanggang sa makita na natin si Miguel, kung ayaw mo namang magpaalipin sa akin e ‘di sabihin mo na lang kung saan naglulungga ngayon ang manloloko mong kapatid para matapos na’to!”

Naiiling na tumayo si Michael at lumipat sa sahig.

Maya-maya pa ay nahihimbing na si Michael. Pero si Andrea ay mulat na mulat pa. Sinulyapan nito ang natutulog na la­laki. Hindi siya nakatiis at kinuha ang kumot.

“Hmp! Pasalamat ka likas ang kabaitan ko…” bulong niya sa sarili habang kinukumutan ito.

Naramdaman naman ni Michael ang paglapat ng kumot sa katawan niya. Hindi nga lang siya sigurado kung katotohanan o panaginip iyon dala ng labis na antok.

Kinabukasan.

Tinawagan ni Andrea si Lora habang nagtitimpla siya ng kape.

“O bestfriend, kumusta na?” si Lora

Related Posts

“Eto, okay naman, good start…”

“Start sa paghahanap sa taong nagtatago? Andrea, umuwi ka na lang kaya, back to work, back to life, balat lang naman ang pinagkaiba nina Miguel at Michael, bakit hindi na lang si Michael ang mahalin mo at tanggapin as your hubby?”

“Marami silang pinagkaiba, lalo na sa ugali… gustuhin ko man pero… at saka sigurado naman ako na hindi rin ako mahal ni Michael, may deal sila kaya nandito siya ngayon sa tabi ko…”
“Okay, choice mo ‘yan, goodluck!”

“Two months lang akong magpapakatanga, pero kapag wala akong napala, babalik ako diyan at kakalimutan ko na ang lahat… si Miguel at pati na rin si Michael…”

“Sige, panghahawakan ko ‘yang sinabi mo bestfriend ha!”

Malinaw na narinig ni Michael ang mga binitiwang salita ni Andrea sa kausap nito sa cellphone. At hindi niya iyon nagustuhan. Pero pinili niya munang manahimik sa ngayon.

“O, Michael, gising ka na pala.” Nilingon ni Andrea ang lalaki nang maramdaman niya ang presensya nito.

“Good morning.” Kaswal na bati nito.

Lumapit si Michael at nagtimpla ng sarili niyang kape.

“Si Aunt Jane?” naisipan itanong ng lalaki.

“Maaga siyang umalis para pumasok sa bookstore nila.”

“Alam ba niya na may hinahanap tayong tao?”

“No. Ang alam niya nagbabakasyon lang tayo dito…”

“Okay.”

Naupo si Andrea sa table at hinalo nang hinalo ang kape niya bago muling nagsalita.

“Magsimba muna tayo bago tayo pumunta sa friend mo.”

“Hindi ako nagsisimba.”

“Talaga? pero nagpakasal ka sa akin sa simbahan.”

“I know, ginawa ko ‘yon dahil kailangan, but I am agnostic.”

Humigop muna ng kape si Andrea bago muling nagsalita.

“Agnostic?” kunot noo si Andrea.

Hindi mabasa ni Michael sa reaction nito kung nagtatanong ba o nang-iinsulto ito.

“Basically, I’m a doubter, but…”

Agad pinutol ni Andrea ang sasabihin pa ng lalaki.

“Whatever, kahit ano pa ang definition ng pinaniniwalaan mo hindi ako interesado, kung ayaw mo magsimba, okay fine, ako na lang.”

Tumayo ang babae at tatalikod na sana pero muli itong bumaling kay Michael na nagsimula nang humigop ng kape. (Itutuloy)