Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 557

Ika-8 na labas

“Hoy, umayos ka ha, rules ko ang masusunod sa ating dalawa, okay?”

“Oo na, oo na,” mahinang tugon ni Michael.

Nang makakain at makapagpa­hinga ay nag-aya agad na lumabas si Andrea. Palabas na sila ng gate.

“Andrea, gabi na, tingin mo ba perfect time ito para maghanap ng taong nawawala?”

“Hindi naman siya nawawala, ‘di ba, nagtatago lang…saka para sa pursigidong maghanap, no sun no moon.”

“Okay fine, so saan mo naman bala­k maghanap, sa mga bar sa mga kalye, o kumatok sa mga bahay-bahay?”

“No more questions please? Basta stay ka lang sa side ko.”

Pumasok sila sa isang resto bar at naupo sa table for two.

“Siguro naman alam mo na mahilig kumain si Miguel, kaya baka matiyempuhan natin siya rito.”

“Andrea, honey, sigurado ka ba ­talagang dalawang buwan ang bubunuin­ natin sa paghahanap kay Miguel?”

“Nandito na tayo duda ka pa rin ba? Saka na-file ko naman nang maayos ang two months leave ko sa company kaya wala naman akong nakikitang problema, maliban sa’yo.”

“Ako pa talaga? Pasalamat ka kasi mabait sa’yo ang uncle mo, pero kung hindi malamang natanggal ka na sa trabaho.”

Hindi kumibo si Andrea. Totoo naman ang sinabi ni Michael. Sa halos apat na taon niyang pagtatrabaho sa Toys company ng Uncle Tommy niya ay naging komportable siya at nakukuha niya lahat ang pribilehiyo. Ang Uncle Tommy niya ang panganay na kapatid ng mama niya.

“Teka, e ikaw ba, ‘wag mong sabihing pati trabaho ni Miguel sa company n’yo ikaw na rin ang magte-take over?” naisipang itanong ni Andrea.

“Naman! Of course!”

“So ibig sabihin planadung-planado n’yo talaga lahat?”

“Not really, kasi nga hindi niya nabanggit sa akin na may story pala ang balat niya sa ibaba ng pusod!” tila nang-iinis na sabi ni Michael.

“Napakasama n’yo!”

“Kung talagang galit ka sa kanya, sana ‘wag mo na siyang hanapin!”

Muli ay hindi kumibo ang babae. Sa halip ay sumimangot ito at tuma­naw sa labas ng resto. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang isang lalaking nakatayo at nakatalikod sa harap ng resto.

“M-Miguel?…”

Napatingin din si Michael sa ­direksyon na tinutumbok ng paningin ni Andrea.

Biglang tumayo ang babae at nagma­madali ang mga paang humakbang­ palabas.

“ANDREA!” tawag ni Michael na agad ding sumunod.

Related Posts

Nang malapit na siya sa lalaking nakatalikod ay napahinto si Andrea …

Nang mapahinto si Andrea ay napahinto rin sa pagsunod si Michael. Nanatili namang nakatalikod ang lalaki.

“Andrea, iniisip mo bang si Miguel ‘yan?” mahinang tanong ni Michael.

Bago pa makasagot si Andrea ay dumating ang isang babaeng negra at kumapit sa braso ng nakatalikod na lalaki at saka sabay na lumakad palayo ang dalawa. Hindi man niya nakita ang mukha ng napagkamalan niyang si Miguel pero sapat na ang narinig niyang itinawag ng babae rito na “JAMES”.

“Andrea, let’s go, bumalik na tayo sa loob.”

Walang imik na sumunod ito kay Michael papasok sa resto.

“Michael, lumipat tayo ng resto,” mahinang sabi ni Andrea nang makabalik na sila sa table.

“You know what, may alam ako na mas okay puntahan!”

“Sige, magbakasakali tayo kahit saan.”

Tumango ang lalaki. Sinasakyan ang kagustuhan ng dalaga. Paalis na sila nang biglang tumunog ang cellphone niya.

“Excuse me.” Tumayo si Michael at sinadyang lumayo kay Andrea.

“Hello Miguel, ba’t napatawag ka?”

“Ngayon ko lang kasi nabasa ang message mo na nakarating na pala kayo sa America?”

“Oo, actually hindi pa nga lumilipas ang isang araw namin dito, eto at nag-umpisa na agad kaming hanapin ka.”

“Really?…poor Andrea, I’m so sorry bro…kadarating lang namin ni Louie dito sa Japan…”
“So anong balak mo?”

“Babalik kami sa New York next month…and you have to make sure na naiuwi mo na siya sa Pilipinas bago pa kami makabalik diyan.”

“Ano ka ba, wala naman kami sa New York!”

“Kahit nasaang lupalop pa kayo ng America, but  please Michael, take care of her, who knows baka sooner or later ikaw na pala ang mahal niya, at kayo na pala ang nagmamahalan?”

“You’re crazy!”

“O sige na, tatawag ulit ako or mas mabuting balitaan mo na lang ako kapag nakauwi na kayo.”

“Sinong tumawag?” tanong ni Andrea pagbalik ni Michael sa upuan.

“Ah wala ‘yon, kaibigan ko sa Fort Collins.”

“Talaga, may friend ka doon?”

“Travelers nga ako, ‘di ba, kaya kalat-kalat ang mga friends ko.”

“Bakit hindi natin siya puntahan, malay mo malapit lang pala siya kay Miguel?”

“Imposible ‘yan, saka ayoko,­ ­malayo dito ang Fort Collins Colorado!”­ (Itutuloy)