Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-5 na labas

Hindi siya kuntento sa mga paliwanag ni Michael kaya may binubuo siyang plano sa isip niya.

Wala ito sa kuwarto nang makabalik siya roon. Humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. Nakapikit man at pilit mang iwaksi sa isip ang mga pangyayari ay kusa itong nagbabalik at inookupa ang buong kaisipan niya.

Naramdaman niya ang pagbalik ni Michael sa kuwarto. Nakuha pa nga nitong tumabi sa kanya sa pagtulog. Nanatili lang siyang nakapikit kahit gising na gising pa ang diwa niya.

Umiisip ng paraan kung paano niya maha­hanap ang kasagutan sa mga tanong niya ma­liban sa mga nalaman na niya kanina.

Pero hindi siya makapag-concentrate sa pag-iisip dahil nabubuwisit siya sa katabi. At hindi lang basta bwisit kundi galit. Sa inis niya ay hinaltak niya ang unan nito. Napabuntong hininga na nagpasensya naman si Michael, nakisalo na lang sa kumot.

Pero hindi rin ito pinayagan ni Andrea kaya walang magawa ang lalaki kundi matulog nang nakabaluktot sa ginaw dahil sa aircon, hindi naman niya ito mapapatay dahil siguradong kokontra ang babae.

Hindi pa nakuntento si Andrea, sinadya niyang maglikot sa pagtulog hanggang sa mahulog sa kama si Michael.

“Ano ba, nananadya ka ba?”

Hindi tumugon ang babae na pinanindigan ang pagtutulug-tulugan. Inis na lumabas ng kuwarto si Michael at sa sofa na lang sa salas natulog.

Kinabukasan. Nagising si Michael na wala na si Andrea. Wala ito sa kuwarto, sa kusina at saan mang sulok ng apartment na binili ni Miguel para dito. Sakto namang natanggap niya ang tawag mula kay Miguel.

“Mabuti napatawag ka.” Si Michael.

“Kukumustahin ko lang sana ang unang gabi nyo, teka, may problema ba?”

“Perfect na sana eh,kundi lang niya hinanap ang balat  sa ibaba ng pusod mo!”
“WHAT?”

“At hindi ko iyon nalusutan dahil may istor­ya siyang tinatanong tungkol doon na hindi ko masagot, at hindi ko rin alam kung paano ko ilulusot sa kanya na bigla na lang nag-disappear ang balat na ‘yon!”

“So what did you say?”

“Ano pa, e ‘di ang totoo.”

Saglit na nawalan ng imik ang kausap niya.

“Michael, ano sa tingin mo ang gagawin niya, nasaan ba siya ngayon?”

“Wala akong idea. Mukha namang nakatulog siya ng mahimbing sa kuwarto kagabi, pero ngayon hindi ko alam kung nasaan siya, but don’t worry nasa cabinet pa naman ang mga damit niya kaya malamang may balak pa siyang umuwi.”

“Okay Michael, listen to me, ‘wag na ‘wag mo siyang iiwan, comfort her and try to do anything na makakapag-ease ng pain niya, and don’t let her tell to our mom and dad ang tungkol dito okay? hanapin mo na siya!”

“Kasama ba ‘yon sa deal natin?”

“Please Michael, do it for me, and for our parents.”

“Okay, pasalamat ka maganda at virgin itong si Andrea, kaya pagbibigyan kita sa pakiusap mo.By the way, kailangan mong i-deposit yung half ng napag-usapan natin sa bank account ko, okay?”

Related Posts

“Okay fine, tutupad ako sa usapan, basta sundin mo lang ako and kahit anong mangyari ‘wag na ‘wag mong sabihin sa kanya na nagkausap tayo.”

Naputol ang pag-uusap ng magkapatid nang marinig ni Michael ang langitngit ng bumukas na gate.

“Call me later, mukhang bumalik na siya.”

Hinawi ni Michael ang kurtina at sinilip kung si Andrea nga ba ang nagbukas ng gate. Napabuntong-hininga siya nang makitang isang pusa lang pala na tumalon sa hindi kataasan nilang gate ang lumikha ng ingay na narinig niya.
Samantala. Nasa loob si Andrea ng isang resto bar na pag-aari ng bff niyang si Lora.
“What a f***!” bulalas ni Lora nang aminin niya dito ang katangahan.

“Ewan ko ba, hindi rin ako makapaniwala na naisahan nila ako ng gano’n…”

Magkatabi sila sa table for two. Tumayo si Lora at inikutan si Andrea, huminto ito sa likuran niya at inilapit ang mukha dito.

“Gusto mo bang gantihan natin sila?”

Napakunot noo si Andrea.

“Ha? ano bang iniisip mo?”

“Ibalato mo sa’kin ang Michael na ‘yan at ako ang bahalang magpataw ng punishment niya, or gusto mo idemanda natin sila pareho o kaya ipakulam?”

“Heh! Tumigil ka nga diyan!”

“Uy, affected? Siguro nasarapan ka din ano?” tukso ni Lora habang pabalik sa sariling upuan.

“Stop it! Hindi ka nakakatawa,oo nga at grabe ang pagdurugo ng puso ko ngayon dahil sa ginawa nila, pero ayokong magpadalus-dalos, kilala mo naman ako.”

Saglit na natahimik si Lora. Naisip niya hindi nga ganoong klase ang bestfriend niya. Alam niya ang pinagdaanan nito sa sariling pamilya at hindi niya maikukumpara kaninuman ang pagdadala nito ng mga problema.

“So ano ba talagang plano mo? Makakatulong ba’ko?” mahinahon na tanong ni Lora.

“Sa tingin ko makakatulog ka talaga…ng malaki…”

“How how de carabao?”

Napangiti si Andrea ng makahulugan bago sinagot ang tanong ng kaibigan.

“Diba nasa America na lahat ng relatives mo?”

“Wait, wait, wait, don’t tell me na susundan mo doon ang baklitang ‘yon?”

“Ssshhh! Mag-preno ka naman, after all, nandito pa rin siya…” sabay turo ni Andrea sa puso niya.

Nanlaki ang mga mata ni Lora sa gulat. Hindi makapaniwalang lovabets pa rin ng bff niya ang lalaking iyon.

Kung hindi makapaniwala si Lora, mas lalong hindi makapaniwala si Michael nang sabihin sa kanya ni Andrea ang plano nito habang kumakain sila ng hapunan.

“Andrea, nababaliw ka na ba?” (Itutuloy)