Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 557

Ika-4 na labas

Natigilan ang lalaki. Hindi siya makaapuhap ng mabilisang sagot sa tanong ng babae.

Nakatapis pa ng tuwalya si Andrea. Pero hindi niya iyon alintana. Ang kanina’y nag-uumapaw na saya sa puso niya ay napalitan ng pagdududa.

“Hindi ikaw si Miguel?”

Sinubukan ng lalaki na papaniwalain pa rin si Andrea.

“Honey look at me, ako ito, si Miguel!”

“Pero nasaan ang balat mo?”

“Ano bang balat ang sinasabi mo, wala akong balat.” Ipinagpatuloy ng lalaki ang pagsusuot ng pangtulog na damit.

“Wala kang balat? Miguel, nalimutan mo na ba na dahil sa balat mo sa ibaba ng pusod kaya tayo nagkakilala?”

Muling natigilan ang lalaki.

Marahang lumapit sa kanya si Andrea bago muling nagtanong.

“Sino ka?”

Hindi sumagot ang lalaki.

“Kung ikaw si Miguel,paano naging tayo?”

Hindi pa rin sumagot ang lalaki.

Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Andrea sa pisngi nito.

“Ikaw ba ang kakambal niyang si Michael?”

Saglit na katahimikan bago nagpasyang sumagot ang lalaki.

“Oo, ako si Michael.” Mahina nitong tugon.

Daig pa ni Andrea ang sinampal sa katotohanang iyon. Para siyang nauupos na kandila na unti-unting napaluhod ng upo. Ang daming tanong na biglang rumehistro sa utak niya.

Kung hindi si Miguel ang lalaking nasa harap niya ngayon, ibig bang sabihin na hindi rin si Miguel ang pinakasalan niya? At hindi rin siya ang taong pinag-alayan niya ng virginity niya? Ganito ba siya katanga para malinlang ng ganon- ganon na lang? pero bakit? Anong dahilan?

Nilapitan ni Michael si Andrea at lumuhod rin ng paupo sa harap nito.

“Andrea, I’m sorry…Nakiusap sa akin si Miguel, may dahilan siya na ayaw niyang malaman ninuman, maliban sa akin na kakambal niya.”

“Nasaa siya? Gusto kong marinig mula mismo sa bibig niya kung paano niya nagawa sa akin ito…” hindi tumitinging tanong ng babae.

Related Posts

“He’s gone…right after our wedding, lumipad siya patungong America…”

“What? America?”

Hinawakan ni Michael nang marahan ang magkabilang braso ni Andrea bago binitiwan ang pakiusap.

“Sige Andrea, since nalaman mo na ang pagpapanggap ko, sasabihin ko na sa’yo ang totoo…pero nakikiusap ako sa’yo, na sana huwag mo itong ipapaalam kahit na kanino lalo na sa mga magulang namin…”

Hindi sumagot si Andrea pero inihanda niya ang sarili sa pakikinig sa ipagtatapat ni Michael.

“He is a gay…”

Hindi makapaniwala, kunot-noo at nagtatanong ang mga mata ni Andrea.

“Sabihin na nating bisexual or kahit ano pang itawag do’n, basta pusong mamon siya…at hindi iyon matatanggap ng dad namin na marami na ring iniindang sakit ngayon dahil sa katandaan. Even our mom. All they wanted is to see him marrying­ the right woman, like you…but ­obviously he is just choosing you, but didn’t want to marry you …”

“NO! Nagsisinungaling ka lang diba? tell me, this is a big joke!” naluluha na sabi ni Andrea.
“You know it’s not…nagmakaawa siya sa’kin, na gampanan ko ang tungkulin niya sa’yo…na maging ako siya, because he wanted to make you happy too…alam niya kasi na matagal mo na siyang gusto…at sa dalawang taon na pinagsamahan nyo bilang boyfriend-girlfriend, napamahal ka na rin sa kanya, hindi nga lang sa paraang inakala mo…”

“Kaya pinaikot niya ako sa palad niya at pinagmukha nyo akong tanga, sa loob ng dalawang taon at hanggang sa matali ako sa kasinungalingang ito?”

“Andrea, hindi niya sinasadyang masaktan ka…”

“Kung hindi ko nalaman ito ngayon, hanggang kailan nyo ako balak lokohin?”
Hindi makasagot si Michael. Napayuko ito.

“Bakit ka pumayag Michael?” pag-iiba ni Andrea sa tanong.

“Siguro nasanay lang ako na mga bata pa lang kami siya na ang laging nasusunod…siya ang paborito, siya ang magaling, siya ang the best para sa mga magulang namin…at ako, isang anino lang…walang kwenta, walang direksyon ang buhay…”

“Uulitin ko, bakit ka pumayag?”

“Oo na, sige na, may kapalit syempre na ma­laking halaga para sa kalayaan nila…bonus na ro’n ang pagkakaroon ko ng magandang asawa, at ikaw ‘yon Andrea, kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa…”

“NILA?”

“Oo, may isang lalaki na matagal ng parte ng buhay niya…si Louie…at kasama niya itong lumayo…”

Dahil doon ay paulit-ulit na sinampal ni Andrea si Michael na hindi naman umilag. Paulit-ulit hanggang sa sumuko na ang mga kamay niya.

“Ang sama-sama nyo! Ang sama-sama nyo!” umiiyak na sabi nito bago tumayo at nagmamadaling tinungo ang banyo saka nagkulong doon.

Mabibigat naman ang mga hakbang na sinundan siya ni Michael at kinatok.

“Andrea, I’m sorry, kahit ano gagawin ko patawarin mo lang ako…please? ANDREA?”

Pero walang balak si Andrea na pagbuksan ng pinto ang engstrangherong lalaki na nakaniig niya sa pinakamasaya sanang gabi sa buhay niya. Tumapat siya sa shower at kung pwede lang sana ay maibalik nito ang virginity niya. Sana ay umagos kasama ng tubig ang tila masamang panaginip na ito na nangyari sa kanya.

Paano ba siya nalinlang ng mga ito? Nagkamali ba siya ng tingin sa mukha, nang paglanghap sa amoy ng pabango nito, ng kilatis sa kilos at galaw, saan ba siya nagkamali?…tsk, tsk, kaya pala naninigarilyo ito…clean living si Miguel, wala ni anumang bisyo. Kaya pala duty ang term na ginamit nito kanina marahil ito ang bilin ni Miguel. Ang kaba palang naramdaman niya kanina ay hindi lang kaba sa sobrang kaligayahan kundi kaba rin sa pagitan ng pag-aalinlangan at katotohanan.

Matagal bago lumabas si Andrea sa banyo. Mugto ang mata niya sa kakaiyak. Pero tapos na siyang umiyak. Hindi siya papayag na basta na lang ganoon. Matatahimik lang siya kapag nakausap niya mismo si Miguel. (Itutuloy)