Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 567

Huling labas

Sa garden sila nakapuwesto.

“Anong totoo mom?”

“Ang tungkol sa inyong tatlo nina Andrea at Michael.” Singit ni Mr. Avelino.

Natigilan si Miguel.

“Anak, nalaman namin mula sa amiga ko sa New York na naki­pagrelasyon ka sa isang lalaki, at mula naman sa auntie mo na nasa New Zealand nakita raw niyang magkasama at sweet na sweet sina ­Michael at Andrea, anong totoo sa mga nalaman namin Miguel?”

Nakakapaso ang mga titig ng mag-asawa para kay Miguel. Pero nandito na siya sa pagkakataong ayaw sana niyang dumating sa buhay niya. Wala na siyang choice kun’di aminin ang mga nagawang pagkakamali at ang tunay niyang pagkatao.

Gabi.

Magkausap sina Miguel at ­Michael sa phone.

“Akala ko susuntukin ako ni dad nang sabihin ko sa kanyang I am a gay… pero sa halip niyakap niya ako at ganoon din si mom… ang hindi lang talaga nila matanggap ay ‘yung nagawa natin kay Andrea…”

“Mapapatawad din nila tayo…”

“Oo naman, in fact masaya sila para sa’yo… para sa inyong dalawa ni Andrea… kung alam ko lang na ganito lang pala kadali ang lahat hindi na sana tayo umabot sa malalalim na kasinungalingan.”

“No bro, ‘wag ka nang magsisi,­ kasi kun’di dahil sa mga nagawa na­ting pagkakamali, baka hindi ako na­tutunang mahalin ni Andrea, at baka hanggang ngayon wala pa ring direksyon ang buhay ko… I guess may dahilan talaga ang lahat.”

“By the way, kakausapin ka nga pala nila mom and dad over skype, so maghanda ka na ng speech mo!” biro ni Miguel.

Related Posts

“Sure, teka, kumusta ka naman?”

“Don’t worry about me, I’m ­happy and I think makaka-move on ako agad with the help of my team and friends in the office.”

“Good.”

Matapos ang usapang iyon ay nilapitan ni Andrea si Michael na nakaupo sa side ng kama.

“Honey, are you ready?” nanunuksong tanong ni Andrea suot ang itim na nighties.

“I’m tired…” biro ni Michael.

“Really? Ako ang bahala, papawiin­ ko ang pagod mo…” sabay tulak ni Andrea kay ­Michael sa kama.

“Wait, I think kailangan ko ­munang mag-toothbrush?”

Naiinis na tumayo si Andrea para mag-give way sa asawa.

Matapos mag-toothbrush ay mu­ling pumulupot kay Michael si Andrea.

“No more interruption?”

“Well, I have to change clothes!”

“No need, I want your clothes off…”

Kahit gusto pang paglaruan ni Michael si Andrea ay hindi na nito napigilan ang sarili. Ibibigay na niya ang nais nito. Pupunuin nila ng pagmamahal ang silid na iyon. Patutunayan nila sa isa’t isa ang pag-ibig nila. (Wakas)