Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-32 na labas

Nang makaalis na si Andrea ay bumangon na si Michael.

“Michael, sinadya mo bang hindi makita ang pag-alis niya?” tanong ni Miguel habang nagtitimpla ng kape si Michael.

Hindi kumibo si Michael.

“Okay, naiintindihan kita.” Tinapik siya ni Miguel sa balikat at iniwan na siya nito sa kusina.

Pagtalikod ni Miguel ay saka niya ibinato ang tinimplang kape sa open terrace. Napalingon si Miguel pero wala siyang balak mag-react sa ginawa nito.

Habang sakay naman ng eroplano ay walang patid ang pagluha ni Andrea. Gusto niyang ibuhos ang mga luha niya hanggang sa masaid ito bago siya makarating sa New Zealand, nang sa gayon ay makapag-umpisa siya ng maayos sa buhay na pinili niya.

One week mula nang umalis si Andrea. Nilapitan ni Miguel si Michael na nakaupo sa pinakapunong baitang ng apartment.

“Michael, pwede ba tayong mag-usap?”

“Miguel if you want to leave, just leave.”

“No… I won’t leave.”

Napalingon si Michael kay Miguel.

“Bakit?”

“Gusto na kitang pakawalan Michael… sa deal nating dalawa na dahilan ngayon kung bakit ka nagdurusa.”

Hindi nakakibo si Michael. Naupo sa tabi niya si Miguel.

“Nakakatawa kasi pareho tayong nagdurusa ngayon, hindi ko alam kung ito na ba ‘yung karma na sinasabi ng iba… dahil sa ginawa natin kay Andrea… sa mga magulang natin… pero kahit na karma pa ang tawag dito, sigurado ako na natuto na tayong dalawa…”
Wala pa ring tugon mula kay ­Michael.

“Iniisip ko kasi, kung babalik ako sa New York, mas lalo ko lang mararamdaman doon ang sakit… ang mga alaala ni Louie… samantalang kung mag-stay ako rito, baka sakaling makalimot ako, plus matutulungan pa kita sa problema mo…”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Don’t you get it Michael? Ibinabalik ko na ang katauhan mo… be yourself… sundan mo si Andrea… both of you deserve to be happy…”

Nangislap ang mga mata ni Michael, pero nag-aalala rin siya.

“Ipagtatapat mo na ba kina mommy at daddy ang totoo?”

“Not yet, hindi pa’ko ready, but I can stay here as they all know… at ikaw malaya kang makakalipad. “

Sa tuwa ay nayakap ni Michael ang kakambal.

Related Posts

Bago lumipad patungong New ­Zealand ay nagpunta si Michael sa bangko. Winithdraw ang pera na bahagi ng deal nila at ibinalik iyon kay Miguel.

“Hindi ko binabawi ito Michael!”

“I know, gusto ko lang isoli sa’yo.”

“No, kakailanganin mo ‘yan doon, magsimula kayo ni Andrea.”

Hindi na nagpumilit si Michael. Nagpasalamat na lang siya.

Habang natataranta si Andrea sa sarili niyang opisina sa New Zealand ay palihim na sumulpot sa likuran niya si Michael.

“Coffee?”

“Yes, coffee thank you!”

Nabigla si Andrea at napa-second look sa nag-abot sa kanya ng kape.

“Michael?”

“Yes, it’s me honey!”

“T-teka, anong ginagawa mo rito, si Miguel?

“Mamaya na natin siya pag-usapan, inumin mo na muna ang kape mo bago pa ito lumamig!”

Ini-lock ni Michael ang pintuan ng office ni Andrea.

“Don’t do that Michael, irespeto mo ang office ko!” nakangiting warning ni Andrea sa asawa.

“I know… I just want to do something special here…” tukso ni Michael habang papalapit sa babae.

“No, kailangan muna nating mag-usap!”

“Later, but for now, let me just do what I want.”

“No, no, no!” patuloy na pagtanggi ni Andrea nang i-grab ni Michael ang bewang niya.

“Just wanted to kiss you honey…”

Hindi na tumanggi si Andrea. Nananabik din kasi siya sa masuyong halik ng asawa.

inawakan niya ito sa ulo at masuyong hinagod ang buhok habang ninamnam ang tamis ng kanilang halik.

Samantala. Pinatawag ng mag-asawang Avelino si Miguel sa bahay nila.

“Miguel kaya ka namin pinapunta dito para malaman namin mula mismo sa’yo ang totoo.” Si Mrs. Avelino. (Itutuloy)