Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 565

Ika-31 na labas

Habang umiinom naman ng kape ay malalim na nag-iisip si Miguel. Pakiramdam kasi niya ay nahahadlangan niya ang dalawa sa pagmamahalan ng mga ito. Siguro kung siya ang magdedesisyon ay maaayos na ang lahat.

Tutal naman, ang pag-ibig na ipinaglaban niya ay wala na sa kanya kaya ano pa ba ang kailangan niyang protektahan?

Sinubukan ni Michael na kausapin ang uncle ni Andrea nang palihim. Pinuntahan niya ito mismo sa bahay nito.

“Miguel, this is Andrea’s dream, and malaking bagay rin ito para sa kumpanya at para sa inyo bilang mag-asawa.” Tulad ng iba ay wala ring alam ang matandang lalaki sa tunay na katauhan ng kaharap.

“Uncle Tom kaya kong bigyan ng marangyang pamumuhay ang asawa ko, at kaya rin naming bumuo ng mga sarili naming pangarap kaya hindi niya kailangang gawin ang ipinagagawa mo sa kanya!”

“Miguel, I guess kaya ka nandito dahil hindi mo napakiusapan ang asawa mo, at ayokong pakialaman kung anuman ang pag-uusap na namagitan sa inyong dalawa, walang ibang makakapagdesisyon niyan kundi siya lang…”

“Damn!” pagkasabi niyon ay galit na umalis si Michael.

Nang mga sandaling iyon ay kausap naman ni Andrea si Lora sa restaurant nito.

“Bff, ang hirap talagang mag-desisyon kapag ganyan, inlababo ka na. Pero sabi nga hindi naman pwedeng magpantay ang mga priorities mo sa buhay, kaya kailangan mong timbangin kung ano ba talaga ang una at dapat mong piliin.” Si Lora na tinabig pa ang kamay ni Andrea na nakapangalumbaba sa mesa.

“Okay fine, kailangan kong mamili, pero ang daling sabihin ang hirap namang gawin… lalo na at parehong mahalaga sa akin ang mga pagpipilian ko.”

“E Bff, mabuti pa pag-isipan mo munang mabuti… alam mo naman kasi ‘yung regret hindi mo talaga makikita sa unahan ‘yan. Saka ang true love isang beses lang ‘yan darating sa buhay natin, kapag hindi ka dinatnan, siguradong malalampasan ka.”

Dahil sa naging pagtatalo ay hindi inaasahan ni Andrea na susunduin siya ni Michael sa restaurant.

“Anong ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong ni Andrea.

“Sinusundo ka, gusto mo bang umuwi na or mamasyal muna tayo, kahit saan mo gusto?”
Napatingin si Andrea sa labas ng restaurant at ikinagulat niya nang makitang papasok doon ang mommy ni Michael.

“Michael, ang mommy mo!”

Napalingon din si Michael.

“Miguel, Andrea! I’m glad you’re here!”

Nakipagbeso si Andrea sa biyenan bago sumagot.

“Mom, ano pong ginagawa nyo dito?” nakangi­ting tanong ng babae.

“Ini-recommend kasi sa akin ng amiga ko ang mga pastries sa resto na’to, I told her that the owner is your bestfriend Andrea, nagkataon naman na nagpapabili ang daddy n’yo para baunin sa States, may business meeting kasi siya doon, actually pinuntahan ka niya Miguel sa opisina mo just to personally inform you na pansamantala siyang mawawala.”

Biglang tumunog ang cellphone ni Mrs. Avelino.

“Excuse me.” Anito sa mag-asawa at bahagyang lumayo sa mga ito.

“Hello?”

“Nasaan ka na? magkita na lang tayo sa bahay, nandito pa kasi ako sa office ni Miguel, I was talking to him right now.”

Related Posts

“Talking with whom?”

“Kausap ko si Miguel, actually plano naming magkape sandali before I go… what’s wrong?”
Napatingin si Mrs. Avelino sa Miguel na nakikita ng mga mata niya ngayon.

“Maida, is there something wrong?”

“S-si Miguel… he’s here with Andrea.”

Dahil sa sinabi ng asawa ay Mr. Avelino naman ang napatingin sa Miguel na kasama niya, nasa table pa ito at inaayos sa cabinet ang ilang papeles.

Pinatay ni Mr. Avelino ang phone niya at ­nilapitan ang anak.
“Miguel.”
“Yes dad?”

Walang sabi-sabing iniangat ng matanda ang suot na polo ni Miguel at tsinek ang balat nito sa pusod.

“Dad, what are you doing?”

“Miguel, I don’t understand magkasama ba si Michael at ang asawa mo?”

Natigilan si Miguel. Pero hindi pa ito ang tamang oras para sabihin niya ang totoo sa ama. Baka makaapekto ito sa magiging lakad nito out of the country.

“Ah dad, I supposed to tell you that, nawala lang talaga sa isip ko, dumating kasi si Michael sa bahay kagabi, since I was busy here nakiusap ako sa kanya na samahan na muna si Andrea sa restaurant…”

“Pero bakit hindi nila sinabi sa mommy mo ngayong magkakasama sila?”
“I guess nabigla po si Michael na makita doon si mom, but I am sure it was not intentional, at saka, baka nahiya rin po si Andrea.”

“Okay, tatawagan ko ulit ang mommy mo, pero mag-uusap pa tayo Miguel.”

Dumating na ang araw ng pag-alis ni Andrea. Inaasahan na niyang muli siyang pipigilan ni Michael. Pero nanatili lang itong nakahiga sa kama, kung tulog man ito o gising hindi niya sigurado.

Nagsimula siyang mag-impake. Pagkatapos ay naligo at inihanda ang sarili para sa pag-alis. Nakahiga pa rin si Michael, natatakpan ng unan ang mukha.

Naisip ni Andrea kung magpapaalam pa siya dito ay siguradong mas lalo siyang mahihirapang umalis. Baka mapigilan siya ng mga yakap at halik nito.

Matapos saglit na titigan ang natutulog na asawa ay maingat na lumabas ng kuwarto si Andrea.

“Miguel…”

Tumayo si Miguel mula sa pagkakaupo sa sofa.

“Gusto mo bang ihatid kita?”
“No…”

“Andrea, I suppose to leave next week, but I’ll promise you magiging okay ang lahat bago ako umalis, kaya ‘wag ka nang mag-worry.”

“Anong balak mo?”

“You and Michael deserve to be happy. Basta, malalaman mo rin, o pa’no mag-ingat ka sa biyahe.”

“Okay, salamat. Pero Miguel kung ikapapahamak mo ang binabalak mo, ‘wag mo nang ituloy, I’ll be fine. At alam kong ganoon din si Michael, all we need is time.”

Niyakap ni Miguel si Andrea.

“Thank you for your concern Andrea, after all, ikaw pa rin ang Andrea na nakilala ko… Thank you for forgiving me and for accepting the real me…”

“Asus tama na ang drama baka ma-in love ulit ako sa’yo niyan, charot!” (Itutuloy)