Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-30 na labas

“No, gusto kong sumama.”

“Ayan ka na naman eh…”

“Nakarating nga kami ng malayo kakahanap sa’yo, siya pa ba ang hindi ko hahanapin sa maliit na lugar lang naman na’to?”

“Okay fine. Sige, dalawa tayong maghahanap sa kanya.”

Nagpalit lang ng damit si Andrea at inaya na niya si Miguel na umalis.

“Let’s go.”

Palabas na sila ng gate nang makita nila si Michael na parating.

“Andrea papasok na’ko sa loob, bahala ka na sa kanya.” Pabulong na sabi ni Miguel.

Tumango ang babae.

Nang makalapit na si Michael ay saglit itong huminto sa tapat niya at pagkatapos ay nilagpasan na siya nito. Naamoy ni Andrea ang alak sa napalapit na katawan ng lalaki.

Tahimik niya itong sinundan sa kuwarto.

“Michael, saan ka ba galing, hahanapin ka na sana namin eh…”

“Talaga? hahanapin mo rin ba ako tulad ng paghahanap mo noon kay Miguel?”

“Oo naman… siguro mas higit pa doon…”

Humarap sa kanya si Michael.

“Kung gano’n, ‘wag mo nang hintayin na mawala pa ako para hindi mo na ako hanapin…”
“Buti pa magpahinga ka na.”

Masuyong hinawakan ni Michael si Andrea sa braso at isinandal sa dingding ng silid.

“Andrea, nagmamakaawa ako sa’yo… please… stay…”

“Michael please, lasing ka, bukas na tayo mag-usap…”

“Yeah I know I’m drunk, pero malinaw ang isip ko, alam ko ang sinasabi ko…”

Pagkasabi niyon ay sinimulan ni Michael na hagkan ang leeg ng babae.

“Stop it Michael…”

“I don’t want to stop… I want you to feel my love…”

Mula sa leeg ay dumako ang mga labi ng lalaki sa teynga ng babae.

“M-Michael ano ba!”

“Come on Andrea, I’m your husband…”

“I said stop!”

“No…”

Ipinagpatuloy ni Michael ang paghalik sa babae. Magsasalita pa sana si Andrea nang biglang dumako ang mga labi ni Michael sa labi niya. Una ay masuyo hanggang sa padiin ito nang padiin at tuluyang maging maalab.

Nais tumutol ng isip ni Andrea subalit ang puso niya ay kusang nagpatangay sa agos ng damdaming hindi kayang ipaliwanag maging ng utak.

Unti-unti ay inalalayan ni Michael si Andrea patungo sa kama saka maingat na inihiga ito nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi.

Related Posts

Ang gabing iyon ay napuno ng pagmamahalang hindi na maitatago. Bawat halik, bawat haplos ay damang-dama ang init na humulagpos mula sa mga damdaming pilit ikinubli.

“I love you honey…” bulong ni Michael matapos ang maiinit na sandali sa pagitan nila.

“I love you too…” pabulong ding tugon ni Andrea.

Naunang makatulog si Michael. Nakayakap ito sa asawa. Nanatili namang dilat si Andrea. Dinadama ang mga kamay ng lalaki na nakaya­kap sa kanya. Tinitigan niya ang mukha nito na mabilis napahimbing.

Siguradung-sigurado na siya sarili na mahal nga niya ito… mahal na mahal… at sigurado rin siya na mamimiss niya ang pagkakataong gaya nito.

Iniyakap din niya ang kamay kay Michael at idinantay pa niya ang isang paa niya dito.

“I love you honey… I love you too… and I love you more…” bulong niya sa nahihimbing na lalaki.

Kinabukasan. Nagising si Michael na wala sa tabi niya si Andrea. Nag-alala siya. Napabalikwas siya ng bangon at dali-daling lumabas ng silid.

“Miguel, si Andrea?”

Hindi pa nakakasagot si Miguel ay natataranta na niyang tinungo ang kusina.

“Andrea? Andrea!”

Pero wala doon ang babae. Kaya nagpunta siya sa terrace.

“ANDREA!”

“Michael, relax!”
“Relax? Nasaan ba si Andrea, nagpaalam ba siya sa’yo?”

“I guess hindi naman niya kailangang magpaalam sa’kin.”

“So ano bigla na lang siyang umalis?”

“Pwede ba, huminahon ka nga, nandoon lang siya oh!” sabay turo ni Miguel sa cr.

Sakto namang palabas ng banyo si Andrea at nangingiti itong napatingin kay Michael.

“Dinig na dinig ko ang pagtawag mo sa’kin, kaya lang hindi ako makasagot kasi I have to release some bad spirit mula sa katawan ko, alam mo na!”

Tila napahiya si Michael. Pero mas gusto na niya ‘yon kaysa totoong wala si Andrea sa paligid. Mahigpit niya itong niyakap.

“W-wait Michael, ano ka ba?”

Kumalas si Andrea mula sa pagkakayakap ng lalaki.

“I’m sorry honey, akala ko kasi iniwan mo na’ko.”

Hindi kumibo si Andrea, sa halip ay tinungo nito ang kuwarto. Sinundan siya ni Michael.

apapailing namang nagtungo sa kusina si Miguel at nagtimpla ng kape.

“Andrea, mag-usap nga tayo, Itutuloy mo pa rin ba ang pag-alis mo?”
Humarap si Andrea sa asawa.

“Wala akong sinabi na hindi ko na itutuloy.”

“Pero ‘yung nangyari sa atin kagabi, I thought nabago nito ang isip mo?”

“Michael hindi ito ang unang beses na may nangyari sa atin, I don’t think it would change my mind, saka isa pa wala ng makakapagbago sa desisyon ko. Take it or leave it.”

Tinalikuran ni Andrea ang lalaki pagkasabi niyon. Niyakap naman siya nito mula sa likuran niya.

“Andrea please, we love each other, makakaya mo ba talagang lumayo?”

Kinalas ni Andrea ang mga kamay ng lalaki na nakayakap sa kanya at saka muling humarap dito.

“Tumingin ka sa mga mata ko Michael… kung hindi mo ako kayang intindihin wala na akong magagawa, hihintayin mo ako o maghihiwalay tayo.”

Hindi sumagot si Michael. Wala siyang gustong piliin ano man sa dalawang sinabi ni Andrea. Ang gusto niya ay magkasama sila ni Andrea sa lahat ng oras.  (Itutuloy)