Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 557

Ika-28 na labas

“Hayaan mo na, sabi nga sa kanta, time heal all wounds, tingnan mo si Andrea, okay na okay na siya, pero kung nakita mo lang siya noong mga panahon na hinahanap ka niya, masasabi mo sa sarili mo na katapusan na ng mundo!”

“Yeah, I know.”

Lumagok si Miguel ng alak bago muling nagsalita.

“Kumusta kayo ni Andrea?”

Sarkastikong ngiti ang lumabas sa labi ni Michael.

“Sa totoo lang ang hirap niyang ispelengin, alam ko naman na mahal na namin ang isa’t isa, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa ring lumayo…”

“Maybe it’s not about you and her, Michael. It’s all about work.”

“Pero ngayon pa lang kami magsisimula ng sarili naming kuwento, ­tapos lalayo siya agad? Kaya nga ako naaksidente dahil sa kagustuhan kong mapigilan siya, bandang huli sa pagkakalayo rin pala mauuwi ang lahat…”

“What if… go with her?”

“Naisip ko na rin ‘yan, kaya lang alam mo naman na ikaw lang ang ­inaasahan ni dad sa company, at bilang ako ikaw, pakiramdam ko naka­tali ako sa opisina mo.”

Hindi nakakibo si Miguel. Hindi niya gustong itali ang kapatid sa ­ganoong sitwasyon. Pero nandito na sila at hindi niya alam kung paano ito lalabasan.

“Sorry ‘tol… sorry kung ikaw ang naiipit ngayon sa lahat ng mga ­problemang pinagdadaanan ko…”

“Alam mo, pwede ka namang bumawi eh…”

Napakunot noo si Miguel.

“Paano?”

“Tulungan mo lang ako kay Andrea, kumbinsihin mo siya na ‘wag nang umalis…”

“What? Teka, tingin mo ba makukumbinsi ko siya?”

“Miguel, just try, alam ko makikinig siya sa’yo, after all napatawad ka na niya kaya sa tingin ko may magagawa ka pa para matulungan ako, kami…”

Related Posts

Hindi agad sumagot si Miguel. Inubos niya ang lamang alak ng baso niya at saka huminga ng malalim.

“Miguel, ano?”

“Okay, fine, susubukan ko Michael, pero hindi ako makakapangako na pakikinggan niya ko.”

“Thank you bro!”

Dahil nangako kay Michael ay sinubukan ni Miguel ang makakaya niya.

“Miguel, bakit mo ba ko inayang kumain sa labas e nagdala na nga ako ng food sa bahay, mamaya mag-emo na naman ang kakambal mo?” tanong ni Andrea habang paupo sa isang table for two sa loob ng resto.

“Don’t worry ipinagpaalam kita sa kanya, malapit na kasi akong ­bumalik sa New York, kaya gusto ko sanang sulitin yung mga pagkakataon na gaya nito.”

Napangiti ng tipid si Andrea.

“Teka, ‘wag mong sabihing nagbabago na ang isip mo, or should I say, ang puso mo?”
Natawa si Miguel.

“Ano ka ba, this is me, ‘yung Miguel na hindi mo gugustuhing ­mahalin ulit… kaya lang ako rin yung Miguel na pwede mong maging matalik na kaibigan habambuhay.”

“Okay fine, whatever, feeling ko lang kasi hindi ito basta dinner lang, parang may nase-sense akong iba.”

Muling natawa si Miguel.

“Ang lakas naman ng instinct mo!”

“Woman instinct, feel na feel  ko ‘yon!”

Lumapit sa kanila ang waiter. Umorder muna sila bago nag-usap ulit.

“Okay, now tell me, ano bang reason nito Miguel?” nakangiting ­muling tanong ng babae.

“Hay, hindi ka pa rin nagbabago Andrea, makulit ka pa rin tulad ng dati, but anyway, sasabihin ko naman talaga sa’yo ang reason ng special ­dinner na ‘to.”

“So, what is it?”

“Andrea, sa laki ng kasalanan na nagawa ko sa’yo, masasabi mo na wala akong karapatan na diktahan ka o kahit payuhan ka lang para sa ikabu­buti mo… but… here I am, and I just want to give you a piece of advice about you and Michael…”

Natigilan si Andrea. Pero saglit lang.

“Miguel, inutusan ka ba ni Michael para pigilan ako sa pag-alis ko?” (ITUTULOY)