Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-27 na labas

“Gano’n po ba?”

“Oo, kaya lang wala pa pala, teka bakit hindi na lang muna tayo kumain?” suggest ni Mrs. Maida Avelino.

Nagkatinginan sina Michael at Andrea bago sumagot.

“Sige po mom, okay lang, gutom na nga rin po kami.” Si Andrea.

Habang nagsasaya ang apat ay nagmamaktol naman sa kuwarto si Michael. Lalo na nang makita niya sa fb ang picture ng apat sa isang restaurant na agad na-upload ng mommy niya.

“Stupid!” anas niya sabay balibag ng cellphone.

Gabi na nang dumating sina Miguel at Andrea. May sariling susi si Andrea kaya hindi na niya tinawag si Michael para pagbuksan sila ng pinto.

“O pa’no Miguel, papahinga na’ko, sure ka ba okay ka lang diyan sa sofa?”

“Yeah, so tired na rin, okay lang ako dito.”

Marahang binuksan ni Andrea ang pintuan ng silid nila ni Michael. Nakita niya itong nakatagilid ng higa.

“Michael, gising ka pa ba?”

Walang tugon.

Matapos ihanda ni Andrea ang sarili sa pagtulog ay nahiga na siya sa tabi ng asawa.

Hindi pa tulog si Michael. Nakikiramdam. Gustong-gusto niyang komprontahin si Andrea pero hindi niya magawa.

Mabilis namang nakatulog si Andrea dahil sa pagod.

Nang magising si Andrea ay wala na sa higaan si Michael. Bumangon siya at lumabas ng silid. Nadaaanan niya sa sofa si Miguel na natutulog pa.

Nilampasan niya ito at tinungo ang kusina. Naabutan niyang nag-aalmusal na si Michael ng tasty katerno ang palamang peanut.

“Good morning Michael.” Bati niya.

Walang tugon mula sa lalaki.

“Bad mood ka pa rin ba hanggang ngayon?” tanong ni Andrea.

“Wag mo akong simulan Andrea.”

“Wow! Ako pa talaga?”

“Akala ko kasi kaya ka bumalik dito dahil sa akin, yun pala dahil kay Miguel, don’t ever deny it Andrea, action speak louder than voice, concern na concern ka sa feelings niya samantalang hindi mo man lang makumusta kung okay na okay na ba ako from accident.”
Natulala si Andrea sa mga binitiwang salita ni Michael.

“Mamaya ka na lang mag-almusal kapag gising na siya, kasi wala siyang kasabay kumain eh.”

“Naririnig mo ba ang sarili mo Michael, are you jealous?”

“So what if I’m jealous?”

“Of all the people ikaw ang nakakaalam kung sino ang kakambal mo, kung ano siya, kaya hindi ko ma-gets kung saan nanggagaling ang hugot mo?”

Tumayo si Michael at lumapit sa asawa.

“Yes I know him so well Andrea, and you too…alam ko kung anong feelings meron ka para sa kanya, at natatakot ako na isang umaga ay malaman kong siya na pala ulit ang nagmamay-ari ng puso mo, na ang lahat ng narinig ko sa ospital ay guni-guni ko lang.”

“Shut up! Palagi mo na lang pinangungunahan ang damdamin ko, noong nasaktan ako gusto mo agad akong maka-move on, ngayong naka-move on na ako gusto mong balikan ko yung damdamin ko?”

“Hindi ko gustong balikan mo yung damdamin mo dati, syempre ayoko, natatakot lang ako na mangyari ‘yon kahit hindi ko gusto!”

“Michael, may pinagdaraanan si Miguel, ginagawa ko lang kung anong ginawa mo sa akin dati para maka-move on ako…siguro hindi mo maiintindihan kasi hindi ka pa nasaktan nang gaya ng sakit na pinagdaanan ko at ng pinagdadaanan ngayon ng kapatid mo…pwede ba sa halip na magtalo tayo, subukan mo na lang umunawa.

Related Posts

At saka isa pa, hindi naman magtatagal si Miguel dito diba, ganoon din ako, I have to go back in New Zealand later.”

“At ako? Paano ako Andrea, paano tayo?”

Hindi nakasagot si Andrea. Hindi rin kasi niya alam kung paano. May binitiwan siyang pangako sa uncle niya at ayaw niyang sirain iyon.

Pareho silang napalingon nang marinig nila ang mahihinang ungol mula sa salas. Agad na pinuntahan ni Andrea si Miguel. Kasunod si Michael.

“Miguel?”

Sinalat ni Andrea ang noo ni Miguel.

“Michael, mainit si Miguel!”

Agad na tinungo ni Andrea ang kusina at kumuha ng maliit na planggana. Nilagyan niya iyon ng buhay na tubig at saka kumuha ng bimpo. Binalikan niya si Miguel at sinimulang punasan ito.

“Michael, pwede bang ikaw na ang bumili ng gamot?”

“Simpleng lagnat lang ‘yan Andrea, o baka nga labnat lang.”

“Michael!”

“Oo na, oo na bibili na ng gamot!” sabay talikod ng lalaki.

Nang makaalis si Michael ay nagpatuloy si Andrea sa pagpupunas kay Miguel.

“Miguel, ano bang nararamdaman mo?”

Hindi dumilat si Miguel. Pero tumugon ito.

“I’m fine…”

“Fine? I don’t think so, ang init-init mo oh!”

Ginagap ni Miguel ang kamay ni Andrea.

“Andrea, thank you…thank you…after all , nandito ka pa rin sa tabi ko ngayon…”

Nagpalipas ng ilang saglit si Andrea bago tumugon.

“I don’t know why…siguro kasi, malambot lang talaga ang puso ko…siguro kasi marunong akong mag-treasure ng pinagsamahan…or siguro kasi mahal pa rin kita hanggang ngayon…pero hindi na nga lang tulad ng dati…”

“I know…I’m glad to hear that…”

Dahil malapit lang ang botika ay nakabalik din agad si Michael. Naabutan pa niyang hawak ni Miguel ang kamay ni Andrea. Hindi man niya gusto ang nararamdaman ay hindi niya maiwasan na kainin siya ng panibugho.

Kinabukasan din ay magaling na si Miguel. Naiwan silang dalawa ni Michael sa apartment dahil nagpunta sa company si Andrea. Inaya ni Miguel si Michael na uminom.

“Sigurado ka ba?” nag-aalangang tanong ni Michael.

“Oo naman, don’t worry okay na’ko. I’ll be leaving soon kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataong  ito na maka-bonding ka.”

“Okay sige!”

Pumwesto sila sa terrace.

“O, anong gusto mong pag-usapan natin?” tanong ni Michael habang inaayos ang mga tube ice sa lalagyan.

“Kahit ano.”

“Gusto mo bang pag-usapan natin si Louie?”

Hindi umimik si Miguel. Pero hindi rin siya tumanggi.

“Ano ba talagang nangyari tol? Wala na bang pag-asa na bumalik siya sa’yo?” muling tanong ni Michael.

“Who knows what the future holds…pero sa ngayon wala akong natatanaw na pag-asa…parang ang bilis ng mga pangyayari eh…nakakatawa na nakakainis na nakakalungkot…” (Itutuloy)