Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 557

Ika-26 na labas

Patalikod na sana si Miguel nang muling magsalita si Michael.

“How long will you stay here?”

Saglit na nag-isip si Miguel bago sumagot.

“Actually, I am not sure, but don’t worry, babalik din ako sa New York.”

Nilapitan ni Michael si Andrea habang nagdidilig ito ng mga halaman.

“O, wala na bang topak mo?”

“Wala akong topak. Wala lang ako sa mood.”

“E ‘di sorry, teka, kumain ka na ba?”

“No.”

“By the way, mabuti at nilapitan mo ko, naisip kasi namin ni Miguel, bakit hindi kami lumabas tulad ng dati, pero syempre hindi naman tulad ng dati na as in lovers, gusto ko lang kasi siyang tulungan na maka-get over din sa heartache niya kay Louie.”

“What? Andrea naririnig mo ba ang sinasabi mo?”

“Oo naman, hindi naman ako bingi no!”

Hinawakan ni Michael si Andrea sa braso.

“Hindi ka lalabas ng kasama siya.”

Binawi ni Andrea ang braso niya.

“Teka nga muna, nagseselos ka ba?”

“Nag-aalala lang ako para sa’yo…”

Related Posts

“Ano bang inaalala mo, nakalimutan mo na ba kung bakit ako iniwan ng kapatid mo sa ere? He’s a gay and he love someone else not me!”

“Kaya nga ako nag-aalala e, kasi baka ikaw ang makalimot, baka mahalin mo ulit siya at baka masaktan ka ulit!”

“Alam mo naka-move on na ako sa pagiging tanga, kaya hindi na ako magpapakatanga ulit, happy ka na?” pagkasabi niyon ay inilipat ni Andrea ang hose sa kamay ni Michael at iniwanan na ang lalaki.

Hindi rin napigilan ni Michael sina Andrea at Miguel sa pagliliwaliw. Una nilang destinasyon ang mall.

“Nagkausap na ba kayo ni Michael tungkol dito?” tanong ni Miguel habang magkasabay silang naglalakad sa loob ng mall.

“Oo, pero mukhang hindi niya gusto itong idea natin, but anyway wala naman siyang magagawa.”

“Pero Andrea, ayoko namang maging dahilan ng pag-aaway nyo, as far as I know nagkaka­mabutihan na kayong dalawa.”

“Oo nga, kaya lang, para naman siyang bata eh.”

“I agree.”

Napa-second look si Andrea nang makita ang mga in-laws niya sa loob ng isang book store malapit sa kinatatayuan nila.

“Miguel, ang mommy at daddy mo.”

Napatingin din si Miguel. Iiwasan na lang sana nila ang mga ito pero nakita na sila ni Mrs. Avelino.

“ANDREA! MIGUEL!” nakangiti itong lumapit sa kanila.

Bumeso si Andrea at nagmano naman si Miguel.

“Miguel, kalalabas mo pa lang sa ospital, you shouldn’t be here!”

“Yes mom, I know, but…”

“Mom, ayaw pong magpapigil nitong anak n’yo eh, naiinip daw siya sa bahay!” salo ni Andrea.

Lumapit din sa kanila si Mr. Avelino.

“O, nandito rin pala kayo, itong mommy nyo eh, nagpumilit pumunta rito para hanapin yung new release ng favorite niyang book!” (Itutuloy)