Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-25 na labas

“Miguel, kung tungkol ito sa parents mo, pwede ka naman namin tulungan ni Michael…unless may iba pang dahilan ang kalungkutan mong ‘yan.”

“Nakakatawa, kasi sa dinami-rami ng tao dito sa mundo, ikaw pa talaga ang makakausap ko sa pagkakataong ito… tungkol sa bagay na naging dahilan para masaktan kita.” Nakangiting sabi ni Miguel.

“Are you talking about your lovelife?”

Tumingin si Miguel sa mga mata ni Andrea. Ilang saglit bago ito tumango.

Napahugot naman ng malalim na buntong hininga si Andrea.

“Sabi ko na nga ba… so kailangan ko bang mag­luto ng canton o magbukas ng beer?”

“No need. Just stay and listen.”

“Okay.” umakto pa si Andre na isiniper ang bibig.

“Si Louie… he’s gone.”

“Gone? Teka, patay na ba siya or nangibang bakuran ba o ano?”

“He broke up with me…”

Si Andrea naman ang natigilan.

“Now I know how you feel…” si Miguel.

“No. Wag mong ikumpara sa naramdaman ko yung nararamdaman mo ngayon, kasi magkaiba tayo. Siguro nga pareho tayong nasaktan, pero hindi pareho ng level.”

“Ano naman ang ibig mong sabihin do’n?”

“Kasi ako, minahal kita, nasaktan mo ako, pero agad-agad may sumalo sa akin, meron kang iniwan sa tabi ko na nagpangiti sa’kin…pero ikaw, kaya ka ba naming pangitiin?”

Sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ni Miguel.

“Oo naman, ano ka ba,ang mga puso kapag nasasaktan, halos pare-pareho lang ‘yan, deep and weird! At mag-momove on kung kailan nila gusto.”

“Weird talaga? share mo naman, ano ba talaga yung nagyari? Malay mo may maipayo ako sa’yo!”

“Napakasimple eh, after all those years… she had met that girl, and in just one click, boom! Wala na lahat ang pinagsamahan namin!”

“Gano’n ba… tama ka… pero baka naman akala natin gano’n lang kasimple,ganoon lang kadali, malay mo kung gaano naghirap ang loob mo nung iniwan mo ako, ganoon din pala naghirap ang loob niya nung mag-decide siya na iwanan ka… minsan kasi, hindi mo naman talaga gustong masaktan ang isang tao, kaya lang baka sadyang dumarating yung panahon na magmamahal ka ng iba at kailangan mong piliin yung tao na mas matimbang sa puso mo…”

Hindi nakaimik si Miguel. Napaisip siya sa sinabi ni Andrea. Kung ganoon talaga, napaka-unfair pala ng tadhana. Matapos mong mag-invest ng damdamin para sa isang tao, kung hindi kayo, kahit anong gawin mo o kahit anong sakripisyo mo, hindi magiging kayo sa huli.

Lingid sa dalawa, nakatayo lang sa pintuan si Michael at nakakubli. Nakamasid sa kanila.

Umaga.

Nag-pamulat sa mga mata ni Michael ang mabangong amoy ng pinipritong tocino. Pero ang nagpabangon sa kanya sa higaan ay ang mga tawanan na nagmumula sa kusina. Mula sa pagitan ng divider at kurtina ay nasilip niya ang masayang pag-uusap nina Andrea at Miguel habang magkatulong sa pagluluto. Si Andrea ang may hawak ng sanse at nagpiprito ng tocino habang inaayos naman ni Miguel ang mga plato sa mesa.

Hindi inaasahan ni Michael ang makikita niyang pagkakasundo ng dalawa.

“Naalala mo ba Miguel, noong unang beses na kumain tayo sa restaurant ni Lora, natabig mo yung juice! Nakakalokah!” natatawang sabi ni Andrea.

“Oo na, makakalimutan ko ba ‘yon e sobrang lakas ng tawa mo no’n! kala mo huling tawa na eh!”

“Paano ba naman ako hindi matatawa, kasi sa dinami-dami ng matatapunan mo iyon pa talagang masungit na chef noon ni Lora, kaya naman kulang na lang e tirisin ka niya sa inis!”

“Pinagpipilitan niya ngang sinasadya ko raw, e hindi naman talaga!”

Related Posts

Hindi makapaniwala si Michael sa nakikita at naririnig.

“Pero Andrea, akala mo ba ikaw lang ang may naalala? Ako rin kaya!”

“O sige, ano naman?”

“Ano pa, e di ‘yung unang araw na nagkakilala tayo!”

Sumimangot si Andrea, pero kakambal no’n ang ngiting sumilay sa labi.

“Nasa gate ka no’n,habang naglilinis ako ng kotse ko, naka-boxer short lang ako no’n, titig na titig ka sa bandang tummy ko, I guess hangang-hanga ka no’n sa abs ko, pero I know na ang nakapukaw talaga ng atensyon mo ay yung balat ko sa ibaba ng pusod! Tapos, dahil nakatulala ka kaya naisipan kong basain ka ng tubig mula sa hose na hawak ko! Grabe, naalala ko ang reaction mo no’n, daig mo pa ang nasa giyera!”

“Pero ang mas nakakatawa do’n yung part na humihingi ka na ng tawad sa’kin dahil sa pagbasa mo sa akin ng tubig, kasi ikaw na ang nagtapat ng hose sa sarili mo para kamo maging fair!”

Sabay silang tumawa habang binabalikan ang masasayang ala-ala.

“EHEM!” si Michael.

Sabay silang napalingon kay Michael na bumungad sa kusina.

“Nakaistorbo ba’ko?” seryosong tanong ni ­Michael.

Nagkatinginan sina Miguel at Andrea.

“Ano ka ba, anong istorbo pinagsasasabi mo diyan? Lika na dito at kakain na tayo!” aya ni Andrea.

“Masarap ang almusal natin, si Andrea ang nagluto eh!” si Miguel.

Humakbang palapit si Michael.

“A talaga? actually palagi nga akong ipinagluluto ni Andrea eh.”

“Paano naman hindi ka kasi marunong magluto, itlog na lang sinusunog mo pa!” natatawang sabi ni Andrea.

“Ito kasing si Michael, noong lagalag pa’to, sanay na sanay sa mga take out foods, or yung mga bine-baked na lang sa oven!” natatawa ring sabi ni Miguel.

“Gano’n, sige magkampihan kayong dalawa!” pagkasabi niyon ay tinalikuran ni Michael ang dalawa at bumalik sa kuwarto.

Muling nagkatinginan sina Andrea at Miguel.

“Anong problema no’n?” naiiling na tanong ni Andrea.

“I know him so well. Minsan wala talaga sa lugar ang pagkapikunin niya.”

Nagkibit-balikat na lang si Andrea. Habang kumakain sila ni Miguel gusto niyang sundan sa kuwarto si Michael. Pero naisip niya, para naman itong bata na kailangan pang suyuin o amuin.

“Hmp! Bahala nga siya sa buhay niya, siya naman ang magugutom hindi ako.” Halos pabulong na sabi ni Andrea.

Tumayo si Miguel.

“O saan ka pupunta?”

“Tatawagin ko si Michael.”

“Okay.”

Pinuntahan ni Miguel ang kakambal sa kuwarto. Naabutan niya itong nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame.

“Michael, seryoso ka ba sa pag-walked out mo?”

“Not really, wala pa lang talaga akong ganang kumain…” (Itutuloy)