Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-24 na labas

“Andrea, I’m sorry, dito na kasi ako dumiretso from airport, like you, nag-alala rin ako kay Michael kaya lumipad agad ako rito… I just fell asleep here sa sobrang pagod.” Si Miguel.

“And I was in a rest room when I heard your voice honey…” si Michael.

Abante Hiring – IT dep

“What? Ibig mong sabihin, narinig mo lahat ang sinabi ko?”

Nakangiting tumango si Michael. Hindi naman naiwasan ni Andrea ang mag-blush. Parang gusto niyang maging bula na lang at biglang maglaho sa mga sandaling iyon.

Nilapitan siya ni Miguel.

“Andrea, narinig ko rin lahat… I know marami akong dapat ipaliwanag sa’yo na hindi ko nagawa noong magkita tayo sa New York… but now, ho­nestly, I feel happy for you and Michael.”

“Anong happy ang sinasabi mo? Diyan na nga kayong dalawa!” sabay walk out ng babae.

Nagkatinginan sina Michael at Miguel.

Nakasalubong ni Andrea ang mga magulang ng kambal pagbukas niya sa pintuan.

“M-mom, dad!”

“Andrea, mabuti at nakabalik ka na!”

Mabilis namang nakapagkubli si Miguel sa rest­room ng kuwarto. Hindi pa siya handang harapin ang mga magulang.

Nang makalabas sa ospital ay dumiretso na sa apartment ang mag-asawa kasama si Miguel.

“Andrea, akala ko talaga matitiis mo na ko eh, ilang araw na kasi ako sa ospital hindi ko pa nakita ni anino mo…” si Michael habang inaalalayan siya ng asawa papasok sa loob.

“As if naman ganoon kadaling mag-back and forth!”

Nang makaupo na sa sofa ay iniwan muna ni Andrea ang magkapatid. Pumasok siya sa kusina para magtimpla ng juice.

“Miguel, is there something wrong? Kanina ka pa walang kibo eh…”

“No…”

“Hindi ako naniniwala, ganyang-ganyan ka din nung lumapit ka sa akin about Andrea, now tell me, what’s wrong with you?”

“Michael… it’s about Louie…”

Naudlot ang sasabihin pa sana ni Miguel nang makabalik na si Andrea dala ang tatlong juice.

“O, inom muna tayo.”

Gabi.

“Honey, can we talk?” tanong ni Michael habang paupo siya sa gilid ng kama sa tabi ni Andrea na inaayos ang higaan.

Related Posts

“Michael, kung tungkol ito sa mga nasabi ko kanina, I’m sorry wala ako sa mood pag-usapan ‘yon!”

“Okay kung ayaw mo e ‘di ‘wag, basta wala nang bawian ‘yon!”

“Ewan ko sa’yo!”

Nahiga si Andrea pero muli siyang bumangon.

“Bakit?” tanong ni Michael.

“S-si Miguel… sigurado ba talaga siyang sa sofa siya matutulog?”

“Iyon ang gusto niya eh…”

Tumayo si Andrea.

“O teka saan ka pupunta?”

“Diyan ka lang, kakausapin ko si Miguel.”

“Honey!”

Hindi na napigilan ni Michael si Andrea nang lumabas na ito ng silid.

Wala si Miguel sa sofa. Wala ito sa loob ng bahay. Sa may hagdanan sa labas niya ito natagpuan na nakaupo sa pinakahuling baitang. Nag-alangan si Andrea kung lalapitan ba niya ito o hindi na lang. Pero pinili niya ang una.

“Bakit gising ka pa?” tanong ni Miguel nang mamalayan nito ang babe na papalapit sa kanya.

“Ikaw, bakit gising ka pa, anong ginagawa mo dito sa hagdan?”

“Wala lang…”

“You want to be alone?”

“Not really, lika upo ka.”

Naupo si Andrea sa tabi ni Miguel.

“Andrea, I don’t know how to say sorry… I know kahit gaano pa karaming sorry ang sabihin ko,that’s not enough para mapatawad mo ko sa mga nagawa ko sa’yo…”

“I know… but actually napatawad na kita… siguro nga napatawad na kita kasi hindi na gano’n kasakit… hindi na tulad nung hinahanap ka namin sa America… pero Miguel ‘wag na nating pag-usapan ‘yan, kasi nandito na tayo eh… sa chapter ng buhay natin na kailangan nang mag-move on…”

“Maybe you’re right… masuwerte lang talaga ako kasi ikaw si Andrea, at natanggap mo lahat, kinaya mo lahat ng pasakit na naidulot naming magkapatid sa’yo.”

“Oo na, sige na, I’m proud of myself… pero ikaw, mukhang hindi ka okay…”

Saglit na nawalan ng kibo si Miguel.

“Masyado ba akong halata?” (Itutuloy)