Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 557

Ika-23 na labas

“Si Michael? I mean, si Miguel? ” sa muling pagkakataon ay nadulas ang bibig ni Andrea.
“Oo, may nangyari kay Miguel… car accident.”

Natigilan si Andrea.

“Hello Andrea? Hello?”

“U-uncle, k-kumusta naman po siya, nasa ospital na po ba, tell me his okay now!” natatarantang sunud-sunod na tanong ni Andrea.

“He’s in the hospital right now, but I don’t know his condition, ­aalamin ko pa.”

“Please uncle, let me know as soon as you will know okay? tatawagan ko rin po ang mga in laws ko.”

“Okay I’ll call you again.”

Hindi na napakali si Andrea mula nang matanggap ang tawag. Para ­siyang pusang hindi mapapupo. Naroong tumayo at umupo siya sa gilid ng kama.

Pagkuwa’y maglalakad habang dina-dial ang cellphone. Para bang nananadya ang pagkakataon at wala pa siyang makontak sa mga sandaling iyon na kailangang-kailangan niya nang mapagtatanungan tungkol sa kalagayan ng asawa. Maging si Lora ay out of reach.

“Come on, answer the phone!” himutok niya sa sarili.

Matapos mag-isip mabuti ay isang pasya ang muling binuo ni Andrea. Tinawagan niya ang uncle niya.

“Uncle babalik muna ako diyan, kailangan ako ng asawa ko.”

“I know, actually tatawagan na nga sana ulit kita, kasi ayoko namang makonsensya ako kung hahayaan kita diyan habang nasa ospital ang ­asawa mo.”

“Thank you uncle! Thank you so much!”

“But promise me, babalik ka diyan Andrea!”

“Yes uncle, I promise!”

Habang nasa eroplano pabalik sa Pilipinas ay ginugulo si Andrea ng mga alalahanin tungkol kay Michael. Bagama’t nakatanggap na rin siya ng tawag mula sa mga in-laws at sinabing naka-survive na ang asawa ay ang dami pa ring gumugulo sa isip niya.

Tinatanong niya sa sarili kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala niya? Kung sigurado na ba siya sa nararamdaman at kung handa na ba siyang aminin sa sarili ang tunay na nilalaman ng puso?

Related Posts

“Hay nakakainis ka Andrea, hindi ka pa nga nakaka-move on, heto ka na naman!”

Mula sa airport ay sa ospital na agad dumiretso si Andrea. Habang papalapit sa room ni Michael ay abot-abot ang kaba ng dibdib niya. Gusto niya na makita agad ang asawa pero mabagal ang bawat paghakbang ng mga paa niya.

Nang makarating siya sa harapan ng pintuan ng silid nito ay nag-sign of the cross pa siya bago maingat na binuksan ang pinto.

Naka­kabingi ang katahimikang bumabalot sa malamig at pribadong silid na iyon.

“M-Michael…” halos pabulong iyon kaya siya lang ang nakarinig.

Tulog sa hospital bed si Michael. Nagtaka si Andrea kung bakit hindi na ito nakasuot ng hospital dress. Naisip niya na baka pa-discharge na rin ito at naghihintay na lang ng release paper.

“Mabuti na lang at inabutan ko pa.” kausap ni Andrea sa sarili habang papalapit sa nahihimbing na lalaki.

Naupo siya sa upuang nasa gilid ng kama nito. Tinitigan niya ang asawa. Ewan niya kung bakit iba ang kabog ng dibdib niya. Parang may mali. Pero hindi na lang niya iyon pinansin.

“Grabe, epal ka talaga eh no? lumayo na nga ako eh, andoon na ako, ready to move on, pero eto nagpapansin ka na naman! Naaksidente ka ba talaga o sinadya mo para mapabalik ako dito?” kausap ni Andrea sa natutulog na asawa.

“Pero… sige na nga… oo na, aaminin ko na… nag-alala rin ako sa’yo… nag-alala ako nang malaman kong naaksidente ka…” patuloy ni Andrea.

Saglit siyang nanahimik bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.

“Michael… I’m sorry… sorry kung nabalewa ko ang mga magagandang bagay na nagawa mo para sa akin… alam ko at alam mo rin na may kasalanan ka sa lahat ng mga nangyari, sa pananakit ni Miguel sa damdamin ko, kung pwede nga lang isumpa ko siya gagawin ko…

pero syempre hindi ko ‘yon kaya… at sa kabila ng lahat, heto ka, inalalayan mo ako, alam ko na gusto mo ring maka-move ako sa kanya para mapansin kita… actually nagtagumpay ka naman eh… napansin na kita… naiisip na kita… feeling ko nga mahal na rin kita eh…”
“Talaga?”

Nagulat si Andrea nang may magsalita sa likuran niya. Dahan-dahan pa siyang lumingon na tila takot. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Michael na nakatayo at nakatingin sa kanya, suot ang hospital dress.

Naglipat ang tingin niya kay Michael at sa nakahiga.

“Teka, bumangon ba ang kaluluwa mo?” napatayo at natataranta niyang tanong.

“Honey, relax, buhay pa’ko, buhay na buhay!”

Pagkasabi niyon ay siyang tayo naman ng lalaking nakahiga sa kama.

“Ay kabayong tumayo!” nagulat pang sambit ni Andrea.  (Itutuloy)