Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 564

Ika-22 na labas

Hindi na umimik si Andrea.

“Teka nga muna, hindi mo gustong pagsisihan ko ang sinabi ko ‘di ba?”

“Ano’ng gusto mong palabasin, na gusto ko ang sinabi mo?”

“Honey, hindi naman siguro nakakapagtaka kung ma-fall tayo sa isa’t isa…”

“Kahit ano pang sabihin mo Michael, hindi na magbabago ang desisyon ko.”

Humigop muna ng kape ang lalaki bago muling nagsalita.

“Next week pa ang alis mo ‘di ba, so may panahon ka pa para makapag-isip.”

Pagkasabi noon ay si Andrea naman ang iniwan ng lalaki, dala ang kape ay bumalik ito sa silid.

Napa-second look si Lora nang makitang papasok sa restaurant si Andrea. At mukhang hindi maganda ang aura nito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalapit ito sa kanya.

“Bff, oh hi!” sabay beso ni Lora dito.

“Hi bff!” ganting beso ni Andrea na tila wala naman sa loob.

Inaya ni Lora ang kaibigan sa isang bakanteng mesa.

“O basa ko na, may problema ka ‘no?” nangingi­ting tanong ni Lora.

“Actually, hindi naman malalang problema, pero hindi ko maiwasang maapektuhan eh…”
“Okay, so kapag apektado ka, ibig sabihin may mahalagang tao na involve dito?”

Hindi agad sumagot si Andrea.

“Dali na bff, kuwento ka na, excited na ko!”

“Okay fine! Si Michael kasi…”

“O ano, si Michael?”

Nangalumbaba si Andrea sa table bago sumagot.

“Pinigilan niya ako sa pag-alis at sinabi niyang mahal niya raw ako.”

Si Lora naman ang hindi agad nakapagsalita, pero…

“EEEEEE!”

“Hoy ano ka ba?” saway ni Andrea dahil na­patingin sa kanila ang mga customers ng resto.

“Una kasi sa lahat ‘wag kang nangangalumbaba, baka malugi ang resto ko, pangalawa wala ka ng reason para mangalumbaba, dapat chin up, ang haba kaya ng hair mo, nabihag mo na siya!”

“Hindi maganda ‘yon para sa mga plano ko!”

Related Posts

“I see. Sabi ko na nga ba, mahalaga na sa’yo si Michael, kasi kung hindi e ‘di sana hindi ka ganyan kaapektado na pati mga plano mo apektado rin talaga ha?”

“Kasi nga…”

“Stop! Kahit ano pang sabihin mo gets ko na bff, kaya eto meron na akong naka-ready na advice para sa’yo, bagong-bagong ‘to ha…”

“Ano?”

“Follow your heart!”

“Tse! Bago raw!”

“Sige na kasi, amin ka na.”

“Wala pa nga akong aaminin, hindi pa ko sure!”

Sa kabila ng mga pag-aalinlangan ay pursigido pa rin si Andrea na ituloy ang napagdesisyunan na niya. Habang nag-iimpake ay ilang beses siyang tumigil at nag-isip, pero sa huli ay nananaig pa rin ang una niyang plano.

“No Andrea, tama na okay, tama na ang isang Avelino na nanakit sa’yo, in fact nasaktan ka na rin naman ni Michael nang makipagsabwatan siya sa kakambal niya, kaya pwede ba, move on ka na, go on with your life #ALONE!”

Kausap ni Andrea sa sarili habang inaayos ang mga damit sa bagahe.

“And the most important thing, hindi mo puwedeng biguin si Uncle Tom… ang kaisa-isang tao na nagbigay sa’yo ng full support… ang kaisa-isang tao na nagbigay sa’yo ng buong-buong tiwala… kaya sige na Andrea, panindigan mo na ito!”

Sa wakas ay nakumbinsi rin ni Andrea ang sarili.

Samantala, hindi naman mapakali si Michael sa opisina niya. Tambak ang trabaho sa table niya pero nakatulala siya. Ilang beses siyang tumayo, naglakad at bumalik sa swivel chair.

Laman ng isip niya si Andrea. Alam niya na ito ang araw ng pag-alis nito, kasabay sa oras ng mahalaga niyang meeting with the board.

“Excuse me Sir Miguel, malapit na po ang call time para sa board meeting, remind ko lang po yung mga papeles na hindi n’yo pa napipirmahan.” Ang secretary na buo ang akalang si Miguel si Michael.

“Okay, ganito, pipirmahan ko na lahat ito tapos dalhin mo sa opisina ng dad ko, tell him na siya na muna ang makipag-meeting sa board dahil may emergency akong lakad okay?” ani Michael habang binubuklat ang mga pipirmahan sa mesa.

“Pero sir!”

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Michael. Pagkapirma ay agad siyang lumabas sa opisina at tinungo ang parking lot saka pinaharurot ang kotse.

“Come on! Come on! Not now…” anas niya nang maipit sa traffic.

Habang traffic ay sige ang dial niya sa numero ng asawa pero hindi niya ito makontak.
“Andrea please… wait for me…”

Nang makawala sa traffic ay muling pinaharurot ni Michael ang sasakyan. Hanggang sa mangyari ang hindi niya inaasahan. Isang kotse rin ang sumalpok sa kotse niya na nagmula sa kung saang direksyon. Pilit mang idilat ni Michael ang mga mata ay hindi na niya ito napigilan sa pagpikit.

Kadarating lang ni Andrea sa New Zealand nang makatanggap siya ng long distance call mula sa uncle niya.

“Uncle buti napatawag ka, nandito na ako sa house mo, eto inaayos ko na ang mga things ko sa guest room mo na magiging room ko na from now on!” masayang kuwento ng babae.

“Andrea, thank God you’re safe but here… something went wrong…”

“What do you mean uncle, anong problema?”

“Ang asawa mo…” (ITUTULOY)