Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 557

Ika-21 na labas

“Uncle, tingin nyo po ba masaya na sila para sa akin ngayon?”

“Oo naman, you’ve made this far at malaki na rin ang naitulong mo sa kanila… ganoon din sa akin at sa kumpanya. Matalino ka Andrea, umaasa akong sa pagbaba ko rito, ikaw ang makikita kong nakaluklok sa upuang iiwanan ko.”

“Matagal pa pong mangyayari ‘yon Uncle. Look at you, ang lakas mo pa at sa tingin ko mahaba-haba pa ang panahong pagsasamahan natin.”

“Hopefully ay maging mahaba pa nga ang panahon ko dito sa kumpanya, by the way, wala ng atrasan ito ha, hinihintay ka na ng New Zealand!” nakangiting sabi ng uncle niya.

Nakangiti ring tumango si Andrea.

Nang makalabas sa opisina ay kinontak agad niya si Lora.

“Naman bff, nagdesisyon ka na naman mag-isa, are you sure about it?” tanong ni Lora sa kabilang line.

“Oo, tingin ko sigurado naman ako sa desisyon ko.”

“Paano si Michael?”

“Wala kaming commitment ni Michael sa isa’t isa, alam mo ‘yan.”

“Okay, so ano pa bang magagawa ko, e ‘di good luck na lang.”

Dinner. Magkasalo sa hapunan ang mag-asawa sa apartment nila.

“Aba, anong nakain mo at ipinagluto mo ako ng special chicken adobo?” si Michael.

“Excuse me, ngayon pa lang ako kakain…wala lang, gusto ko lang din mag-ulam nito ngayon.” Ani Andrea habang sumasandok ng kanin.

“Siyanga pala, start na ako sa opisina bukas, siguradong maraming stars ang iikot sa ulo ko dahil ayoko naman talaga ng trabaho ni Miguel…stupid work!”

“Stupid ba talaga ‘yung work o ikaw yung stupid?”

“Pinapaandaran mo na naman ako eh!”

“Hindi naman masyado.”

“Ikaw, kumusta ang work mo?”

“Ayun… ahm… next week, lilipad na ako sa New Zealand.”

“What?”

“Tinanggap ko na yung offer ni uncle na ako ang maging representative niya sa branch ng company sa New Zealand. I’ll stay there for about 2 years or more.” Kalmadong kuwento ni Andrea.

Pabagsak na binitawan ni Michael ang kutsara’t tinidor.

“Ano bang problema mo?” kunot-noong tanong ni Andrea na napahinto sa pagsubo.
“Hindi mo talaga alam?”

“Tatanungin ba kita kung alam ko?”

Tumayo si Michael at tumalikod sa asawa.

“Look Andrea, akala ko nagkasundo na tayo, pero ngayon nag-desisyon ka na namang mag-isa.” Nakatalikod na sabi nito.

Related Posts

“Teka nga muna, may usapan ba tayo na kaila­ngan kitang i-consider sa mga desisyong gagawin ko sa buhay ko?”

Humarap si Michael at biglang lumuhod sa harapan ng babae sabay hawak sa kamay nito.
“Honey, ‘wag mong gawin ito please?”

“Michael, kung nag-aalala ka na baka matuklasan nila ang sikreto n’yo ni Miguel, don’t worry, I’ll keep that on my pocket. Gusto ko na rin ng peace of mind.”

Nanatiling hawak ni Michael ang kamay ng asawa.

“Hindi ako nag-aalala sa kahit na anong sikreto na may kinalaman sa amin ni Miguel… n-nag-aalala ako para sa’yo… para sa ating dalawa…”

Natigilan si Andrea at napaisip sa sinabi ni Michael.

“Anong ibig mong sabihin Michael?”

“Kung aalis ka, paano tayo?”

“Anong paano tayo, wala naman tayo diba, ano bang inaalala mo?”

Babawiin sana ni Andrea ang kamay niya sa lalaki pero hindi nito ito binitawan.

“Michael, what’s wrong with you?”

Pinilit ni Andrea na makuha ang kamay, at saka tumayo. Tumayo rin si Michael at mabilis siya nitong naikulong sa mga bisig nito.

“Andrea, mahal na kita…”

Hindi makapagsalita si Andrea. Ikinabigla niya iyon.

“Hindi ko na kaya ang mawala ka… please don’t go…” dugtong pa ni Michael na nanatiling yakap ang asawa.

Hindi makasagot si Andrea. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang yakap ni Michael sa bisig nito bago siya unti-unting kumawala.

“Andrea…”

“M-Michael… I’m sorry… h-hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong dapat kong maramdaman…” pagkasabi niyon ay iniwan ni Andrea ang lalaki.

Halos buong magdamag na mulat ang diwa ni Andrea. Laman ng isip niya ang mga sinabi ni Michael.

“Nakakainis… nakakainis… nakakainis… bakit ba affected ako?” kausap ni Andrea sa sarili.

Ilang ulit siyang nagpabiling-biling ng higa. Sa tuwing mapapaling siya sa higaan ni Michael ay luma­lakas ang kabog ng dibdib niya. Bakante pa ito. Hindi pa pumapasok ng silid ang lalaki magmula kanina.

“Okay na eh… okay na sana ang mga plano ko, bakit ginugulo mo pa?…”

Muling bumiling si Andrea at humarap sa kabilang side. Siyang pasok naman ni Michael sa silid. Inakala nitong nahihimbing na ang asawa. Maingat itong humiga sa tabi at nagkumot. Napansin nitong walang kumot si Andrea kaya kinumutan din ito.

Ramdam ni Andrea ang pagkukumot sa kanya ni Michael. Pumikit siya nang nasa isipan pa rin ang panibagong alalahanin.

Kinabukasan ay nagising si Michael na nasa kusina na at nagkakape si Andrea. Tila nailang ito nang makita siya. Lumapit si Michael at nagtimpla ng sarili niyang kape. Nanatiling walang kibo ang babae hanggang sa naupo si Michael sa tabi niya.

“Andrea… sorry sa nasabi ko kagabi…”

“Sorry? So ibig sabihin pinagsisisihan mo na ang nasabi mo?”

“Of course not. I mean it. Kaya lang, mukhang hindi mo nagustuhan kaya humihingi ako ng sorry ngayon.” (Itutuloy)