Una sa Balita

Just One More Night With You

By
0 557

Ika-20 na labas

“Okay, hintayin mo ako rito at magpapaalam lang ako kina mommy.”

Maya-maya pa ay magkasama na ang dalawa sa kotse. Si Andrea ang nasa manibela.

Abante Hiring – IT dep

“Teka, akala ko ba uuwi na tayo?”

“Yup, pero naisipan kong dumaan muna tayo sa isang lugar na alam kong magugustuhan mo.”

Napakunot ang noo ni Michael. Wala siyang idea sa idea ni Andrea.

Sa parking lot ng isang bar inihinto ni Andrea ang sasakyan.

“Tadaa!” sabay lahad ni Andrea ng kamay niya na nakaturo sa bar.

“Ano bang iniisip mo, na gusto kong mag-senti rito?” natatawang sabi ni Michael.

“Hindi mo gusto, pero iyon na mismo ang ginagawa mo kanina, o diba mas magandang lugar ito para do’n.”

Hindi na nakatanggi si Michael nang maunang pumasok si Andrea sa loob. Kinuha nila ang pwesto sa dulo. At saka umorder ng drinks.

“Andrea, why are you doing this?”

“Doing what?”

“Ito, dinala mo ako rito para maging kompor­table ako gano’n ba?”

“Hindi. Basta ginawa ko lang, hindi ba pwedeng walang dahilan?”

“Hindi pwedeng walang dahilan.”

“Bahala ka sa buhay mo, isipin mo kung anong gusto mong isipin.” Sabay tungga ni Andrea sa ladies drink.

Muling nanahimik si Michael.

“O sige na, umpisahan mo na, ilabas mo na rito ang lahat ng kinikimkim mo kanina, tapos uuwi na tayo.”

Related Posts

“Ano ka ba, wala naman akong kinikimkim.”

“‘Wag ka ngang plastic, nakita ko kanina sa mukha mo, naramdaman ko.”

Bago sumagot ay idinantay ni Michael ang kamay niya sa kamay ng dalaga.
“Salamat Andrea…”

Habang umiinom ay napilitang maglahad ng saloobin niya si Michael. Pero dahil tinatamaan na ng espiritu ng alak si Andrea ay hindi na nito naiintindihan lahat ang sinasabi ng asawa.

Oo na lang siya ng oo at sinasang-ayunan lahat ang sinasabi nito. At maging siya ay napa-confess din kahit pa hindi na tuwid ang pananalita dahil sa kalasingan.

“Alam mo Michael, pareho lang naman tayo eh, pareho lang na walang tiwala ang mga magulang natin sa atin… ang mama at papa ko, gusto nila akong itali noon sa bukid, gusto ng mama ko na maging tulad lang niya ako, plain house wife, lagi lang nakasunod sa asawa, hindi ko naman siya masisi, kasi mabait naman si papa eh, ang kaso, ang pinagkaiba namin ng mama ko, siya walang pangarap, ako meron! Kuntento na siya sa isang buo at simpleng pamilya… ako gusto kong umangat sa buhay, kaya naman kahit anong pigil nila ni papa, pinili ko ang mahirap na daan at pinili si Uncle Tommy bilang tao na mapagkakatiwalaan ko sa buhay ko… para sa mga pangarap ko… nakakatawa pa nga eh, kasi sabi ng mama ko ‘pag successful daw sa trabaho, hindi magiging successful sa pag-ibig… korek siya diba? pero hindi niya alam na naisip kong tama siya…” natatawa pa si Andrea sa mga huling sinabi.

Natulala naman si Michael. Hindi inaasahan ang ganoong rebelasyon mula sa asawa.

Maya-maya pa ay laman na ulit sila ng kotse pauwi. Si Michael na ang nasa manibela.

Binuksan ni Andrea ang stereo at inilagay sa sayaw ang tugtog. Saka unti-unting umindak habang nakaupo. Natatawa naman si Michael. Panay ang sulyap niya kay Andrea na sige sa pag-indak.

Pagdating sa apartment nila ay inalalayan ni Michael si Andrea papasok sa loob.
“Grabe, ang gaan na ng pakiramdam ko Andrea…”

Hindi nakasagot si Andrea dahil tinakbo na niya ang lababo nila para sumuka. Mabilis na sumunod si Michael, binuksan ang gripo at hinilamusan ang asawa para mabawasan ang hilo nito.

Matapos iyo ay binuhat ni Michael si Andrea patungo sa silid.

“Hoy ano ka ba, ibaba mo nga ako…” mahinang sabi ng babae.
“Relax ka lang, akong bahala sa’yo.”

Nang makarating sa silid ay maingat na ibinaba ito sa kama. Inayos ang higa. Habang nakapikit si Andrea ay marahan siyang hinagkan ni Michael. Naisip man nitong ulitin ang init sa pagitan nila ay hindi na lang nito ginawa. Nakatulog na kasi agad ang asawa. Sa halip ay kinumutan na lang niya ito at saka nahiga sa tabi nito.

Maya-maya pa ay tumagilid ng higa si Michael at tinitigan ang nahihimbing na si Andrea. Saka ito bumulong…

“I think I’m falling for you… I love you Andrea…”

Kinabukasan. Kahit masakit pa ang ulo ay pinili ni Andrea ang pumasok sa trabaho.

Kausap niya ang Uncle Tommy niya sa opisina nito.

“Thank you Andrea, sabi ko na nga ba hindi mo ako bibiguin, I’m sure matutuwa rin dahil dito ang mama at papa mo.” (Itutuloy)